Kabataan, itinuturing na panibagong lakas ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,132 total reads

Inaanyayahan ni Rev. Fr. Cunegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na maging bukas at aktibo sa pagbubukas ng Year of the Youth.

Ayon sa pari, sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco sa isinagawang Synod of Bishops na malaki ang inaasahan ng simbahan sa mga kabataan.

Dahil dito, hinihimok din ang mga Obispo, pari, at mga relihiyoso na pakinggan ang tinig at opinyon ng mga kabataan dahil sila ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas at pagbubuo ng pamayanang simbahan at ng pananampalatayang Kristiyano.

“Inaanyayahan ko ang mga kabataan sa lahat ng antas na magpakita ng kabukasan sa paglahok, dahil sa taong ito, inaasahang higit na maririnig at mararamdaman ang inyong tinig para sa patuloy na pagsisikap na palakasin ang ating buhay bilang pamayanang nananampalataya, bilang simbahan at bilang tagasunod kay Kristo.” pahayag ni Father Garganta sa Radyo Veritas.

Ngayong darating na pagdiriwang ng kapistahan ng Kristong Hari, pormal nang magtatapos ang liturgical year ng simbahan na Year of the Clergy and Consecrated Persons, at magbubukas naman ang bagong taon ng liturhiya na Year of the Youth.

Tema sa taon ng mga kabataan ang “Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered.

Dahil dito umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Youth na ang darating na bagong taon sa simbahan ay mas magiging masigla dahil ang mga kabataan ay hindi lamang tinitignan bilang kinabukasan kun’di inaasahan din na maghuhubog sa kasalukuyang kalagayan ng simbahan.

“Kayo na rin ang kasalukuyang inaasahan ng ating simbahan na s’yang pagkukunan ng mga bagong pananaw ng malakas na pagsisikap para sa buhay pananampalataya at gayun din ng maraming mga paninindigan para sa pagsasaayos at pagtutuwid ng ating buhay panlipunan.” Dagdag pa ni Father Garganta.

Ang Year Youth ang ikapito sa mga temang inilahad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, upang maihanda ang mga mananampalataya sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 83,919 total reads

 83,919 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 131,190 total reads

 131,190 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 179,061 total reads

 179,061 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 283,009 total reads

 283,009 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 365,267 total reads

 365,267 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,565 total reads

 42,565 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,441 total reads

 35,441 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top