CHR, nababahala sa banta ng Pangulong Duterte sa mga lingkod ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Nagpahayag ng pangamba ang Commission on Human Rights o CHR sa maaring maging epekto sa kaligtasan ng mga Pari at ng mga Obispo ang sunod-sunod na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga lingkod ng Simbahan.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakababahala na ang mga pahayag ng Pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahan na tila itinuturing na kalaban at kritiko ng pamahalaan sa halip na ituring na katuwang sa paggabay sa mga mamamayan.

“Statements that could embolden the violence against priests and other religious persons are gravely alarming in the face of continuing attacks against those deemed as critics of the government.” pahayag ni de Guia.

Iginiit ni De Guia na sa halip na paratangang walang silbi sa lipunan ay dapat na magsilbing hamon sa pamahalaan ang ginagawang paggabay at pakikipagtulungan ng mga Pari at Obispo sa mga komunidad at mamamayang dumaranas ng kahirapan at pagdurusa dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni De Guia na dapat na magsilbing opurtunidad sa pamahalaan ang pagsusumikap ng mga lingkod ng Simbahan upang makipagtulungan sa programa ng gobyerno.

Tinukoy ng opisyal ang naging paninira at pagpaparatang ng mismong Pangulo laban kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na kilala sa pagsusumikap nitong matulungan ang mga naiwang pamilya ng mga nasawing biktima ng drug related killings.

“Churches and priests, such as in the case of Bishop Pablo Virgilio David of Caloocan, work directly with communities and families, who continue to suffer the many forms of human rights violations allegedly stemming from the government’s drug campaign. Instead of calling them useless, the government must take their concerns as valid challenges from the ground and as means to improve, rather than degrade, protection of human rights of all.” Pahayag de Guia.

Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris na kinakailangan sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan ang pagkilala at pagsasabuhay sa taglay na dignidad, karapatan at kalayaan ng bawat isa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,638 total reads

 23,638 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,161 total reads

 8,161 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,722 total reads

 48,722 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,254 total reads

 76,254 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,519 total reads

 124,519 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,291 total reads

 146,291 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,639 total reads

 23,639 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,210 total reads

 24,210 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top