Operasyon ng coal-fired power plants, ipinapatigil ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 423 total views

Pangungunahan ng Archdiocese of Lipa Ministry on Environment ang paglulunsad ng programang ‘Piglas Batangas Piglas Pilipinas, break free from fossil fuels’.

Ayon kay Fr. Dakila Ramos, Head Minister ng AMEN layunin ng programa na wakasan ang kasalukuyang operasyon ng lahat ng coal-fired power plant facilities sa bansa, at hamunin ang susunod na administrasyon na tanggalin ang paggamit sa fossil fuels bilang pinagkukunan ng enerhiya.

“Tayo po ay iniimbitahan ng ating mahal na Archbishop 5 days before the election, yung Piglas Pilipinas, Piglas Batangas, ano pong ibig sabihin nito? Tayo’y pumiglas to breakfree from the fossil fuels sapagkat ito po ang kalakaran, lahat na po ay para sa coal yung iba para sa mga iilang mamamayan sa mga kumikita pero eto po tayo ay pumiglas ibigsabihin to breakfree from this chain na umaalipin sa ating lahat.” Pahayag ni Fr. Ramos.

Samantala, hinamon naman ni Lydi Nacpil – Convenor ng Philippine Movement for Climate Justice, ang mga kandidato na manindigan at protektahan ang buhay ng bawat nilalang na nakaugat sa masaganang kalikasan.

Pinayuhan rin ni Nacpil ang mga national at local candidates na huwag magpasilaw sa salaping iniaalok ng mga negosyante at unahin ang kapakanan bayan.

“Kami po ay nananawagan, in fact naghahamon sa mga kandidato na manindigan para sa kalikasan.” Bahagi ng pahayag ni Nacpil Bukas pormal na ilulunsad sa lalawigan ng Batangas ang mobilisasyon ng Piglas Batangas, Piglas Pilipinas.

Magugunitang, inihayag ng National renewable Energy Board, na kung hindi pipigilan ang pagtatayo ng mga karagdagang planta, sa mga susunod na taon ay magiging 80% hanggang 90% nakadepende ang Pilipinas sa maruming enerhiya.

Sa kasalukuyan mayroong 17 pasilidad ng coal-fired power plants sa Pilipinas habang nakatakda pang magtayo ang pamahalaan ng 29 na pasilidad hanggang taong 2020.

Patuloy itong tinututulan ng Simbahang Katolika at mga makakalikasang grupo matapos iulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa 50 mga bansang may pinaka mataas na carbon emission

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,125 total views

 40,125 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,207 total views

 73,207 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,558 total views

 101,558 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,290 total views

 169,290 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 189,622 total views

 189,622 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,913 total views

 353,913 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top