Pagdedebosyon, paglago sa pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 837 total reads

Makatutulong sa paglago ng pananampalataya ang pagdedebosyon.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Edgar Tubio, OAR sa matagumpay na Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno noong ika-9 ng Enero.

Ayon kay Fr. Tubio, kura paroko ng Minor Basilica de San Sebastian naipakikita ng mga deboto ang pananalig at pananampalataya sa Panginoon sa pagdalo at pakikiisa sa Traslacion.

“Malaking maitulong sa paglago ng ating pananampalataya [ang pagdedebosyon] at expression ito na nagpapakita na tayo ay nanalig at nanampalataya sa Diyos,” pahayag ni Fr. Tubio sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ng pari ang pakikilahok ng mga deboto sa Traslacion ay nagpapakita ng masidhing pananampalataya at isang magandang pagkakataon upang maipakita ng tao ang tunay at wagas na pagdedebosyon kay Hesukristo at sa Mahal na Birheng Maria.

Higit ding napapalalim ng tao ang ugnayan sa Panginoon sa tulong ng debosyon at pagsunod sa mga gawain ni Hesukristo na dapat tularan ng tao.

Bukod sa Traslacion ay kinasasabikan din ng mga deboto ang Dungaw na ginagawa sa Basilica de San Sebastian del Carmen dahil dito nararamdaman ng mga mananampalataya ang pagmamahal ng isang Ina sa kaniyang anak.

RELIGIOUS COURTESY

Nilinaw ni Fr. Rubia na ang Dungaw ay hindi pagsasadula sa isang kaganapan sa Bibliya kung saan sinalubong ng Mahal na Birheng Maria si Hesus habang naglalakbay patungong kalbaryo pasan ang Krus.

Paliwanag ni Fr. Rubia na ang Dungaw ay isang religious courtesy sa mga ipinuprusisyong imahe tuwing kapistahan.

Binigyang diin ng Pari na ang Dungaw ay isang tradisyong namana mula sa bansang Espanya at isinasagawa rin sa Pilipinas partikular sa mga lalawigan tulad ng Quezon, Cebu at Bohol.

Ang Dungaw ay ang paglabas sa mga bintana ang processional image na hindi kabilang sa mga ipinaparada subalit nadadaanan ng prusisyon.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa mga imaheng ipinuprusisyon tulad ng nakagawiang Dungaw kung saan inilalabas ng Basilica ng San Sebastian ang imahe ng Mahal na Birhen ng Carmelo habang nakahinto ang andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Paglilinaw ni Fr. Rubia na ang pagsasadula sa isang tagpo sa Bibliya ay tinatawag na Encuentro kung saan ang inilalabas ng Simbahan sa pagdaan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Plaza del Carmen ay ang imahe naman ng Birhen ng Dolorosa.

Sinaksihan ng mahigit sa kalahating milyong deboto ang Dungaw ngayong taon kung saan nagkaisa ang mga deboto sa pag-alay ng mga panalangin at pag-awit ng Panalangin na itinuro ng Diyos Ama sa sangkatauhan ang “Ama Namin”.

Batay sa inisyal na taya ng Philippine National Police, mahigit sa apat na milyong deboto ang nakiisa sa Traslacion 2019 na sa kabuuan ay naging matagumpay at mapayapa ang buong pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,284 total reads

 9,284 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,309 total reads

 44,309 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,793 total reads

 80,793 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,004 total reads

 99,004 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,845 total reads

 182,845 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top