Pangulong Duterte, kabiguan at kahihiyan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Ito ang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos hinggil sa mga pahayag ng pangulo laban sa mga Obispo, Pari at iba pang kritiko ng administrasyon.

Ayon sa Obispo, hindi nakatutuwa ang mga pahayag ng pangulo na nagsusulong ng karahasan sa lipunan dahil sa paghimok sa mamamayan na pumatay.

“His presidency is disappointment to us, and disgraced to country. The advice just promotes criminality, encourages lawlessness,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.

Iginiit ng pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang pagsusulong ng pangulo sa pagpaslang ay isang imoral na uri ng pamamahala sa bayan.

Magugunitang sa talumpati ng Pangulong Duterte noong ika – 10 ng Enero sa Masbate, hinikayat nito ang mga tambay na holdapin at paslangin ang mga Pari at Obispo at noong Diyembre ay hinimok ang publiko na paslangin ang mga Obispo dahil wala itong pakinabang sa lipunan.

Ang patuloy na pagbatikos ng pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahang Katolika ay sanhi ng pagpuna ng mga Pari, Obispo at mga Relihiyoso sa mga maling polisiya ng pamahlaan tulad ng malawakang kampanya kontra droga na ikinasawi ng mahigit dalawampung libong indibidwal.

Dahil ditto, nanindigan si Bishop Santos na nararapat punahin ang pangulo at wakasan ang pagsusulong ng karahasan sa pamayanan sa halip ay itaguyod ang pagkakaisa ng mga nasasakupan.

“We totally speak, stand against it. We reject and condemn what he says,” ani ng Obispo.

Umaasa ang Obispo na kumilos ang mga taong malalapit sa pangulo at payuhan upang maiwasto ang mga ipinahahayag nito sa publiko lalo’t tinitingala ito ng mga kabataan bilang lider ng Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na nagdudulot ng pagkakahati-hati, pagkamuhi at takot ang kasalukuyang ginagawa ng pangulo at maghahatid ng maling katuruan sa mga kabataan.

“It is high time that those who are closed to him must correct him, advise him of good manners because his words instills hatred and creates division and torments fear,” dagdag ni Bishop Santos.

Pinayuhan ni Bishop Santos ang pangulong Duterte na ipahayag ang katotohanan para sa pag-unlad ng bayan at pagkatao ng mga Filipino nang may paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,658 total reads

 11,658 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,519 total reads

 46,519 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 83,001 total reads

 83,001 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,213 total reads

 101,213 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,954 total reads

 184,954 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top