WYD 2019 Delegates, Hinamong Kilalanin si Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 369 total reads

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga delegado sa World Youth Day na gamitin ang pagkakataon upang higit na makilala si Hesus.

Ipinagdarasal ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, pinuno ng Episcopal Commission on Youth na makakatagpo ng mga dadalo sa WYD 2019 si Hesus sa kanilang paglalakbay at nakahandang sundin ang kalooban ng Panginoon.

“As we journey to Panama, probably we ask the Lord where do you live so that this journey to Panama become a personal encounter with the Lord Jesus to know Him more, to love Him,” mensahe ni Bishop Jaucian.

Sang-ayon sa tema ng W-Y-D ngayong taon na “I am the servant of the Lord. May it be done to me according to your word,” na hango mula sa Ebanghelyo ni San Lukas Kabanata 1 talata 38 kung saan buong pusong tinanggap ng Mahal na Birheng Maria ang ninanais ng Diyos Ama na maglilihi kay Hesukristo na maging tagapagligtas ng sanlibutan.

Inaasahan ng Obispo na maging buo rin ang kalooban ng mga kabataan na tumugon sa misyon ng Panginoon na maging katuwang ang bawat isa sa pagpapalaganap ng katotohanan.

Sinabi ni Bishop Jaucian na hindi dapat matakot ang kabataan sa pagtugon sa kalooban ng Diyos sapagkat patuloy itong gumagabay sa lahat ng pagkakataon.

Unang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng kumisyon na nasa 250 Filipinong kabataan ang dadalo sa World Youth Day 2019 sa Panama sa ika-22 hanggang ika-27 ng Enero kabilang ang ilang Pari at Obispo.

Read: 250 kabataang Filipino, dadalo sa 2019 World Youth Day

Sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang Year of the Youth ngayong taon ay hinimok ng Simbahang Katolika ang mga kabataan na maging aktibong kasapi sa bawat parokya upang maging kaisa sa pagmimisyon ng Simbahan lalo’t nalalapit ang ikalimang sentenaryo ng Katolisismo sa Pilipinas sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,423 total reads

 63,423 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,314 total reads

 142,314 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,759 total reads

 175,759 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,058 total reads

 211,058 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,016 total reads

 435,016 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top