Kahinahunan at pagpapatawad: Hangad ng Simbahan sa katatapos lamang na halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 323 total views

Nanawagan ang kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang kahinahunan ng bawat isa sa katatapos lamang na halalan. Ayon sa kaniya, matapos ang pagboto nawa ay manaig ang pagkakasundo, at pagpapatawaran para sa nagkakaisang pagmamahal sa ating bayang Pilipinas. Nagpapasalamat din si Cardinal sa mamamayan na nakilahok sa eleksyon at nagpahayag ng kanilang karapatan na pumili ng bagong pinuno ng bansa.

Mapagmahal na Ama,
Muli pong nagpapasalamat kami sa biyaya na binigay mo sa amin upang makilahok sa eleksyon.
Salamat sa binigay mo sa aming kalayaan bilang mga Pilipino na maging bahagi ng paghuhubog ng aming bansa.
At salamat din po sa maraming tao na napukaw ang kalooban ng pagmamahal sa bayan, nagbigay ng oras, panahon, talino, para po sa isang matiwasay, malinis, at kapani-paniwalang eleksyon.
Sa araw na ito matapos kaming bumoto, hinihiling po naming ibigay mo po sa amin ang kahinahunan, paghihilom sa mga sugat, pakikipagkasundo, pagpapatawaran, gayun din ang hindi nasisira na pagmamahal sa aming bayan.
Turuan mo po kami na ang aming pananagutan ay hindi sa isang partido o sa isang pamilya kundi sa aming bayan.
At matapos po ang eleksyon, turuan mo po kami na patuloy na makilahok sa buhay ng aming sambayanan, na kami ay hindi lamang umasa sa aming matatanggap kundi bilang mga mamamayang may kalayaan at pananagutan, patuloy kaming humubog sa isang bayan na aming pinapangarap.
Lahat pong ito ay aming hinihiling sa inyo, sa ngalan ni Hesu Kristo, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan, Amen.
Mahal na Ina, subaybayan nyo po ang inyong minamahal na bayang Pilipinas. Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo, Amen..

Ang kabuuang panalangin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isinahimpapawid sa Radyo Veritas.

Una nang binigyan diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng pagboto sa pagpili ng pinuno ng bansa, at nanindigan na hindi mag-eendorso ng mga kandidado kundi magbibigay lamang ng gabay sa mamamayan.
Mula sa kabuuang 54 milyong registered voters, may 80 porsiyento naman ang bilang ng mga Katoliko sa kabuuang populasyon ng bansa.
Bagama’t nagpapatuloy pa rin ang bilangan, nangunguna pa rin sa presidential race si Rodrigo Duterte kung saan tinanggap na rin ni presidential candidate Grace Poe ang kanyang pagkatalo.
Higit naman na sa 90 porsiyento ang nabilang ng Comelec mula sa kabuuang higit na 90 libong clustered precincts.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 11,013 total views

 11,013 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 20,377 total views

 20,377 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 46,833 total views

 46,833 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 97,110 total views

 97,110 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 101,892 total views

 101,892 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 68,758 total views

 68,758 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 46,331 total views

 46,331 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 84,754 total views

 84,754 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top