171 total views
Isinapubliko ni Presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga bubuo ng kanyang gabinete kapag opisyal na idineklarang ika-16 na pangulo ng Pilipinas.
Inihayag ni Duterte na itatalaga niyang Department of Transportation and Communications o DOTC secretary o kaya’y Finance secretary si Carlos “Sonny” Dominguez na dating Agriculture secretary ni Cory Aquino at Fidel Ramos.
Itatalaga naman ni Duterte na Presidential Adviser on the Peace Process si Jesus Dureza.
Sinabi ng incoming President na magkakaroon din ng mahalagang papel sa kanyang administrasyon si dating AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr., Butch Ramirez at kasalukuyan niyang Chief of Staff na si former rebel priest Leoncio Evasco habang kinukonsedera din nito na NEDA chief si Joey Salceda.
Nabatid din na pabor si President elect Duterte na i-lift ang cap on foreign ownership sa Pilipinas na 60-40 sa kasalukuyan upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.
Magpapatawag din si Duterte ng isang multi-lateral talks para resolbahin ang sigalot at agawan ng teritoryo sa South China sea.