Lumabag sa karapatang pantao nitong halalan, papanagutin ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total views

Tiniyak ng Bantay Karapatan sa Halalan na mananatili itong mapagmatyag sa mga post-election related incidents na iuulat sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Jose Luis Martin Gascon, bagamat hindi katanggap-tanggap ang pagbubuwis ng buhay nang dahil lamang sa iringan sa halalan, tiniyak naman nito na makikiisa sila sa paghilom ng nalabag na karapatang pantao at pagpapanumbalik ng pagkakaisa sa bansa.

“Naniniwala ako na yung karapatang pantao ay makakatulong ng malaki kung ito’y mamarapatin ng lahat lalo na silang nagtagumpay sa labanan ng eleksyon at uupo sa kapangyarihan, maaaring magamit ang karapatang pantao bilang mekanismo para sa pagkakaroon ng pagkakaisa at healing na hanap nating lahat, paghilom ng mga sakit at sama ng loob na dulot ng eleksyon na ito .” Pahayag ni Gascon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gascon na hindi na lamang bibilangin ng C-H-R ang tala ng mga election-related violence, bagkus makikipag ugnayan ito sa Commission on Elections at magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang tunay na lumabag sa karapatang pantao.

Dahil dito hiniling ni Gascon ang pakikiisa at pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ugaling voluntirismo o pagkakaroon ng kusang loob na tulungan ang kapwa alang-alang sa ikabubuti ng lahat at ikauunlad ng sambayanan.

“Panghawakan nating lahat yung voluntirismo na pinakita natin, ito rin yung mensahe na ibinibigay ng Radyo Veritas sa lahat at bilang alagad ng Diyos, bilang mga responsableng mamamayan dapat ay aktibo tayong nakikilahok sa mga pambansang usapin.” Dagdag ni Gascon.

Samantala, hiniling rin ni Gascon sa Comelec na maglaan ito ng mas maigting na paghahanda sa susunod na halalan upang makaranas naman ang bansa ng free, fair, safe and secure elections.

Sa paunang datos na nakalap ng komisyon umabot na sa 72 ang kaso ng election-related violence simula Marso 2015 hanggang Marso 2016.

Samantala sa tala ng Philippine National Police noong 2013 umabot sa 81 ang kaso ng election-related violence sa buong bansa na mas mababa kumpara sa 176 na kaso ng karahasan kaugnay ng halalan noong 2010.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 12,189 total views

 12,189 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 35,348 total views

 35,348 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 56,623 total views

 56,623 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 228,282 total views

 228,282 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 292,484 total views

 292,484 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top