Bagong administrasyon, dapat makinig sa sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 296 total views

Umaasa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na magiging matapang at matatag sa pagdedesiyon ang bagong pangulo ng bansa.

Inaasahan din ni Bishop Pabillo na makikinig sa taumbayan ang bagong presidente at hindi lamang sa kanyang mga kaibigan at malalapit sa kanya.

“Ang palagay ko ang inasahan natin kay Duterte ay siya’y nakikinig sa taumbayan sa mga reklamo at hindi magbibingi-bingihan at ikalawa hilingin natin sa kanya na maging decisive ang kanyang action na sa halip na papanigan ang mga kaibigan, mga kasama niya, titingnan niya dapat ang pangangailangan ng taumbayan. Iyan yung hinihiling natin,” pahayag ni Pabillo

Ikakatuwa din ng Obispo kung totohanin ni Duterte ang sinasabing pagpalabas ng executive order hinggil sa Freedom of Information Bill.

Pinatutukan naman ni Bishop Pabillo sa incoming President ang pangangailangan ng mga urban poor at mabigyan sila ng maayos na pabahay sa Metro Manila at hindi itatapon sa malalayong lugar.

Iginiit ni Bishop Pabillo na malaking plus factor sa bagong pamahalaan kung matutupad ang pangako nitong tatapusin na ang malawakang problema sa contractualization para kapakanan ng mga manggagawa.

Hinimok naman ng Obispo ang taumbayan na bantayan ang mga itatalagang miyembro ng gabinete ni Duterte na makakaimpluwensiya sa kanyang pamamahala.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez ang pagbibigay prayoridad ni Presumtive President Rodrigo Duterte sa panukalang Freedom of Information Bill.

Inihayag ni Bishop Iniguez na maituturing na magandang legacy ni Duterte ang pagsasabatas ng F-O-I upang mas masubaybayan ng mga mamamayan ang mga programa at mga transaksiyon na ginagawa ng iba’t-ibang sangay at kagawaran ng pamahalaan.

“As usual, dapat naman talaga tayong mga mamamayan sinusubaybayan natin yung kanilang mga ginagawa at pagmabuti yung kanilang ginagawa ay maganda yung suporta natin at kung meron naman silang ginagawa na inaakala nating hindi dapat meron naman mga fora dalhin natin dun ang ating mga complaint”. pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Naniniwala ang Obispo na mas magiging tapat ang pamamalakad sa pamahalaan kung mayroong access at mapagkukunan ng impormasyon ang mga mamamayan kaugnay sa mga pinapasok na transaksiyon ng mga opisyal ng bayan.

Inihayag sa isang pagpupulong sa Davao City ni Duterte na matapos ang kanyang opisyal na panunumpa bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas ay agad siyang magpapalabas ng isang Executive Order na siyang magiging panuntunan ng FOI.

Para sa kaalaman ng lahat, napapaloob sa Article 1, Section 7 at Section 8 ng 1987 Constitution ang pagkakaroon ng karapatan ng publiko sa tamang impormasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 7,965 total views

 7,964 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 32,281 total views

 32,280 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 68,070 total views

 68,070 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 109,841 total views

 109,841 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 162,560 total views

 162,559 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 62,210 total views

 62,210 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 39,783 total views

 39,783 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 78,205 total views

 78,205 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top