Pagpapahalaga sa buhay, inaasahan sa bagong administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Naninindigan si CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na mararamdaman lamang ang tunay na pagbabago sa pagpapahalaga sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng marami at may dangal na trabaho at paglaban sa kriminalidad sa bansa.

Inaasahan ni Bishop Santos makapagbibigay ng maraming trabaho na may sapat na suweldo ang bagong administrasyon upang hindi na umalis ng bansa ang mga Filipino.

Inihayag ng Obispo na maraming pamilya ang nasisira dahil sa pagkakahiwalay ng magkakapamilya dahil sa pagta-trabaho sa ibang bansa.

“Una sa lahat ay dapat magkaroon ng paggalang sa buhay, ang buhay ay iingatan, aalagaan hindi natin sisirain, hindi natin papatayin. Ito ang unang dapat gawin. Ikalawa, dapat magkaroon ng trabahong disente at marangal upang sa ganun ay hindi na nila kailangan pang umalis ng bansa para magtrabaho. Dito sa bansa ay makakapagtrabaho at pangangailangan sa buhay, sa bahay ay nasasagot at natutugunan at hindi sila mapapahiwalay sa kanilang mahal sa buhay. Maalagaan na ang kanilang mga anak at makakaiwas pa sa mga kaguluhan na suliranin na idinudulot ng pagkakahiwalay ng isang pamilya,” pahayag ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Santos na mahalagang matupad ng bagong administrasyon ang pangako nitong disiplina sa mga lalabag sa batas at gagawa ng krimen sa lipunan.

Umaasa din ang Obispo na mawawala na sa bansa ang palakasan at mga nakakalusot sa batas dahil sa malakas na impluwensiya at backer na nasa kapangyarihan.

Inaasahan din ng Obispo na tuluyang masugpo ang paglaganap ng illegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng tao at pinagsisimulan ng karahasan at krimen sa bansa.

“So una sa lahat ay disiplina, kamay na bakal laban sa kriminalidad, supilin ang droga”.pahayag ni Bishop Santos

Nabatid na 92-porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay mayroong gumagamit at nagbebenta ng illegal na droga.

Base sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, 20.51-porsiyento o 8,629-barangay mula sa kabuuang 42,065- barangay sa Pilipinas ay nakapagtala ng mga drug related cases.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,890 total reads

 232,890 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,621 total reads

 264,621 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,445 total reads

 366,445 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,008 total reads

 407,008 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,056 total reads

 418,056 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 93,852 total reads

 93,852 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 71,390 total reads

 71,390 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 109,867 total reads

 109,867 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top