Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong administrasyon, dapat makinig sa sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

 262 total views

Umaasa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na magiging matapang at matatag sa pagdedesiyon ang bagong pangulo ng bansa.

Inaasahan din ni Bishop Pabillo na makikinig sa taumbayan ang bagong presidente at hindi lamang sa kanyang mga kaibigan at malalapit sa kanya.

“Ang palagay ko ang inasahan natin kay Duterte ay siya’y nakikinig sa taumbayan sa mga reklamo at hindi magbibingi-bingihan at ikalawa hilingin natin sa kanya na maging decisive ang kanyang action na sa halip na papanigan ang mga kaibigan, mga kasama niya, titingnan niya dapat ang pangangailangan ng taumbayan. Iyan yung hinihiling natin,” pahayag ni Pabillo

Ikakatuwa din ng Obispo kung totohanin ni Duterte ang sinasabing pagpalabas ng executive order hinggil sa Freedom of Information Bill.

Pinatutukan naman ni Bishop Pabillo sa incoming President ang pangangailangan ng mga urban poor at mabigyan sila ng maayos na pabahay sa Metro Manila at hindi itatapon sa malalayong lugar.

Iginiit ni Bishop Pabillo na malaking plus factor sa bagong pamahalaan kung matutupad ang pangako nitong tatapusin na ang malawakang problema sa contractualization para kapakanan ng mga manggagawa.

Hinimok naman ng Obispo ang taumbayan na bantayan ang mga itatalagang miyembro ng gabinete ni Duterte na makakaimpluwensiya sa kanyang pamamahala.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez ang pagbibigay prayoridad ni Presumtive President Rodrigo Duterte sa panukalang Freedom of Information Bill.

Inihayag ni Bishop Iniguez na maituturing na magandang legacy ni Duterte ang pagsasabatas ng F-O-I upang mas masubaybayan ng mga mamamayan ang mga programa at mga transaksiyon na ginagawa ng iba’t-ibang sangay at kagawaran ng pamahalaan.

“As usual, dapat naman talaga tayong mga mamamayan sinusubaybayan natin yung kanilang mga ginagawa at pagmabuti yung kanilang ginagawa ay maganda yung suporta natin at kung meron naman silang ginagawa na inaakala nating hindi dapat meron naman mga fora dalhin natin dun ang ating mga complaint”. pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Naniniwala ang Obispo na mas magiging tapat ang pamamalakad sa pamahalaan kung mayroong access at mapagkukunan ng impormasyon ang mga mamamayan kaugnay sa mga pinapasok na transaksiyon ng mga opisyal ng bayan.

Inihayag sa isang pagpupulong sa Davao City ni Duterte na matapos ang kanyang opisyal na panunumpa bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas ay agad siyang magpapalabas ng isang Executive Order na siyang magiging panuntunan ng FOI.

Para sa kaalaman ng lahat, napapaloob sa Article 1, Section 7 at Section 8 ng 1987 Constitution ang pagkakaroon ng karapatan ng publiko sa tamang impormasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 73,916 total views

 73,916 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 90,088 total views

 90,088 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 129,799 total views

 129,799 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 189,639 total views

 189,639 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 201,930 total views

 201,930 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 43,574 total views

 43,574 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 21,147 total views

 21,147 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 59,569 total views

 59,569 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 43,492 total views

 43,492 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 43,472 total views

 43,472 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 43,472 total views

 43,472 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top