Matinding pagbaha sa Metro Manila, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total views

Pinangangambahan ng Save Sierra Madre Network Alliance na maulit ang matinding pagbaha sa Metro Manila, tulad ng idinulot ng bagyong Ondoy noong 2009, matapos iulat ng PAGASA ang malaking posibilidad ng pagkakaroon ng La Niña sa ikalawang bahagi ng taong 2016.

Ayon kay Fr. Pete Montallana, Chairperson ng grupo, ang Marikina Watershed ang dapat sanang sumasalo sa mga tubig ulan na pumupunta sa kamaynilaan subalit masyado nang malaki ang pinsala nito dahil sa illegal logging at mga pagmimina.

Dahil dito hinimok ni Fr. Montallana ang pamahalaan na i-rehabilitate ang watershed, upang masagip ito mula sa tuluyang pagkasira.

“Itong Marikina Watershed, ito ay dapat noon pa inayos ng gobyerno, pero hindi naman talaga napigilan yung pagkakahoy, yung pagku-quarry, nakikita natin yan tapos pagdami ng subdivision, kaya nakakatakot talaga d’yan maulit ang Ondoy, sa grabeng pag-ulan, paghindi talaga inalagaan ang Marikina Watershed ang Ondoy ay malamang mauulit.” Pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Bukod dito, hinimok rin ni Fr. Montallana ang pamahalaan na muling pag-aralan ang mga proyekto tulad ng pagpapatayo ng mga dam, bago tuluyang ipatupad.

Dahil ayon sa pari, maraming puno ang mapuputol sa pagtatayo ng mga dam at magiging dahilan rin ito ng matinding pagbaha.

Dagdag pa ni Fr. Montallana, kailangan na rin magsagawa ng pamahalaan ng iba pang paghahanda sa paparating na tag-ulan, tulad ng paglilinis ng mga kanal na dadaluyan ng mga tubig upang maiwasan ang pagbaha.

Noong 2009, naitala na ang anim na oras na tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng bagyong Ondoy ay katumbas na ng isang buwang tubig ulan sa Pilipinas.

Dahil dito umabot sa 4,901,234 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan sa naturang bagyo kung saan nasa mahigit 700 ang namatay.

Nauna nang binigyang diin ni Pope Francis sa Laudato Si, na dahil sa pagkasira ng kalikasan, tao rin ang nagiging biktima ng mga sakunang idinudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 11,006 total views

 11,006 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 44,088 total views

 44,088 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 72,439 total views

 72,439 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 140,169 total views

 140,169 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 162,428 total views

 162,428 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,062 total views

 353,062 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top