Abp Cruz kay Duterte: mga magnanakaw sa gobyerno, unahing panagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total reads

Nanawagan si dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz kay president-elect Rodrigo Duterte na asikasuhin ang pagpapatino sa mga nagpapatupad ng batas.

Ayon kay archbishop Cruz, marami pa ring tiwali na nasa gobyerno pa rin lalo na at hindi naman inaksiyunan ng papaalis na Administrasyong Aquino ang maraming kaso ng katiwalian na nasasangkot ang kanyang mga kaibigan, kaklase at kabarilan (KKK).

“Anong klaseng hustisya ito na ‘yung mga kakampi ng mga namumuno ng administrasyon libre lahat sa graft and corruption at ‘yung nape-pressure ‘yung mga kalaban, hindi kapartido lang, dun lang medyo (masusuntok) na kayo bakit ang hustisya iba tingin, pag mayaman kayo lahat pwedeng bayaran pati mga prosecutors mga huwes, nakakalungkot so justice system justice system President Duterte yan po ang asikasuhin niyo, ang patinuin ang mga nagpapatupad ng batas,” pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ng arsobispo, wala ring ginawang hakbang ang Pangulong Aquino sa malalaking kaso ng krimen sa kanyang administrasyon gaya ng mga massacre at ang Luneta hostage taking

“Ang problema natin sa Pilipinas, nauunawaan ko ‘yung incoming president, dahil ‘yung aalis na pamunuan eh talagang walang ginawa tungkol sa hustisya, natatandaan ‘nyo ang Luneta hostage, andun, pasimple simple, nu’ng umaga patay na’ng lahat eh dumating nakangiti pa, ‘yung Atimonan massacre, ‘yung Mendiola massacre, ‘yung killings sa Tarlac, wala, walang ginawa,” ayon pa sa arsobispo.

Matatandaang sa bilyong pisong PDAF pork barrel scam, pawang mga kalaban sa pulitika ng kasalukuyang administrasyon ang inuusig at pansamantalang nakakulong gaya nina Senador Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at ang gumawa ng mga dummy ng NGOs na pinaglagyan ng pork barrel na si Janet Lim-Napoles.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,645 total reads

 41,645 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,637 total reads

 121,637 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,084 total reads

 155,084 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,383 total reads

 190,383 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,335 total reads

 415,335 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 296,815 total reads

 296,815 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,145 total reads

 408,145 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top