Mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS, nakakaalarma na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 689 total reads

Nababahala ang Catholic Bishops Conference Episcopal Commission on Health Care sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immuno Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, Executive Secretary ng komisyon, dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng HIV/AIDS, halos dumoble na agad ang bilang ng mga nagkakaroon nito sa isang araw.

Mas ikinababahala pa ni Fr. Cancino, na ang 50% ng mga may karamdaman ay mula sa edad 25 hanggang 34 habang ang 30% naman ay mula sa edad 15 hanggang 24.

“Makikita natin, kung ito yung tumataas na cases natin, at ito’y nangyayari sa mga kabataan, paano na an gating kinabukasan at paano na ang kinabukasan din ng ating mga kabataan?” Pahayag ni Fr. Cancino.

Dahil dito, ayon sa pari paiigtingin pa ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang pangangaral lalo’t higit sa mga kabataan.

Ayon kay Fr. Cancino, hindi sapat na malaman ng mga kabataan kung ano ang HIV at AIDS at kung paano ito nakukuha subalit mas dapat aniyang bigyang diin ang pagtuturo sa mga kabataan ng moral at malinis na pamumuhay na nakabatay sa Family values at Gospel values.

“Ang pinaka effective na vaccine parin dito ay yung pagpapalawig ng tamang edukasyon na nakabatay sa values. Hindi sapat na malaman kung ano ang HIV/AIDS, hindi sapat na malaman kung ano ang mga likido na nagtatransmit ng HIV, o yung mga paraan, technicalities, kundi yung kamalayan, kaalaman, na nakabatay sa proper values, Family values, Gospel Values.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Aminado si Fr. Cancino na bagamat may mga hakbang na isinasagawa ang simbahan upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng HIV/AIDS at matulungan ang mga pasyenteng mayroon nang karamdaman, ay kulang ang kapasidad ng simbahan para palawigin pa ang programa nito.

Dahil dito, humingi ng tulong ang pari sa mga stakeholders at sa pamahalaan na tumulong sa pagsugpo ng lumalaganap na HIV/AIDS sa Pilipinas.

“Para masugpo natin itong HIV/AIDS sa bansa, hindi pwedeng tayo ay magkawatak-watak. Unang-una let’s involve as many stakeholders as we can, then going to different sectors like yung youth, not only dun sa key affected populations, pati yung youth sa simbahan, eskwelahan. Palawigin yung education in all angles.” Pahayag ni Fr. Cancino.

Sa huli, nanawagan ang pari sa gobyerno, na tumulong upang maalis ang stigma discrimination o pang-aalipusta sa mga taong may HIV/AIDS.

“Ang panawagan natin sa ating gobyerno ay maslalong i-involve ang maraming tao, because ang pinaka problema dito ay yung stigma discrimination. Marami paring tao ang hindi nakakaintindi, yung mga iba pinandidirihan nila ang mga pasyente, ayaw pagusapan ang HIV, pero it’s now time, together with different sectors gathered to really treasure life, and to treasure the quality of life, let’s come together, by reuniting together, to really have this zero discrimination, zero stigma, achieve zero AIDS related death and zero new infection.” Dagdag ni Fr. Cancino.

Sa ulat ng Department of Health tumaas ng 39 na porsyento ang naitalang bilang ng kumpirmadong may HIV AIDS sa bansa simula buwan ng Enero hanggang Marso 2016.

Dahil dito sa kasalukuyan, mayroon nang 31,911 kaso ng HIV AIDS sa Pilipinas simula noong 1984. (Villajos)

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,242 total reads

 14,242 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,570 total reads

 16,570 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,018 total reads

 34,018 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 2,998 total reads

 2,998 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 84,794 total reads

 84,794 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,019 total reads

 179,019 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,508 total reads

 239,508 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,271 total reads

 253,271 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,330 total reads

 374,330 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top