Ipaglaban ang pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total views

Mahalaga ang paninindigan ng taumbayan para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan.

Ito ang panawagan ng Promotion of Church Peoples Response (PCPR) sa mga mananampalataya sa patuloy na paglaganap ng karahasan at kaguluhan sa bansa.

Ayon kay PCPR Spokesperson Nardy Sabino, dapat na maipakita ng taumbayan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at paninindigan ang matibay na pananampalataya sa Panginoon lalo na sa negatibo, marahas at mga pagbabanta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayan at Simbahang Katolika.

“Mahalaga po sa ating mga mananampalataya na tumindig para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan lalo na ngayon na may mga salita ng pagpatay lalo sa mga Obispo ng iba’t iba pang marahas na hakbang na lumalaganap sa ating bayan kaya may panawagan sa ating pananampalataya ngayon na ipakita ito, ipahayag yung mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng sama-sama nating pagkilos at pagpapakita ng isang pananampalataya na tayo ay isang bayan at may isang tinig na naghahangad ng kapayapaan at katarungan sa ating bayan…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Sabino ng pakikiisa sa isang malawakang pagtitipon na nakatakdang isagawa ng iba’t ibang sektor ng lipunan at iba’t-ibang denominasyon ng Simbahan para sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kapayapaan.

May titulo ang pagtitipon na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace na naglalayong ipahayag ang pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon kasabay na rin ng paggunita sa Bible Month at Week of Prayer for Christian Unity na pangungunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Council of Churches in the Philippines.

Isusulong at ihahayag sa pagtitipon ang paninindigan sa ipinagkaloob na biyayang buhay ng Panginoon.

Magaganap ang One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace sa ika-25 ng Enero ganap na alas-kwatro ng hapon hanggang alas-syete ng gabi sa Rajah Sulayman Plaza, Malate, Manila.

Naunang nagpahayag ng suporta sa pagtitipon si Manila Auxiliary Bishop Broderick S. Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at ang iba pang mga lider mula sa National Council of Churches, United Church of Christ in the Philippines, Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at maging De La Salle Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,522 total views

 18,522 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 93,136 total views

 93,136 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 173,215 total views

 173,215 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,354 total views

 216,354 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,317 total views

 216,317 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top