Kabataan, masasagip sa liquor ban at smoking ban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total views

Sinang-ayunan ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez ang planong pagpapatupad ng Liquor ban at smoking ban sa buong bansa.

Ayon sa Obispo, isa sa mga dapat mahalagang tutukan ng pamahalaan ang kalusugan ng kabataan upang matiyak ang pagkakaroon ng produktibong mamamayan.

“Yan yung isa sa pangangalaga ng ating pamahalaan sa kalusugan ng ating mga mamamayan, lalong lalo ng ating mga kabataan, alam naman natin na ang liquor at ang smoking ay nakapagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng tao at nakakaadik ito. Kaya meron tayong mga regulasyon at sa aking palagay, ito ay isang magandang pamamaraan ng ating pamahalaan para mapangalagaan ang ating kalusugan.” Pahayag ng Obispo.

Kaugnay nito, sinang-ayunan rin ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang Liquor ban at Smoking Ban na dapat sana’y noon pa mahigpit na ipinatupad.

Ayon kay ECY Executive Secretary Fr. Cunegundo Garganta, sa pamamagitan nito ay malalayo rin ang isip ng mga kabataan sa masasamang gawain at pagkakaroon ng bisyo.

Kaugnay dito, hinikayat ng pari ang mga kabataan na sa halip na magbisyo ay gugulin ang kanilang panahon sa makabuluhang mga bagay, tulad ng aktibong paglilingkod sa Simbahan.

“Dioceses under Episcopal Commission on Youth in terms of sharing program for young people, isa na rito yung karaniwang ginagawa ng mga Dioceses kapag bakasyon yung summer youth camp, and then tuloy-tuloy na mga activities sa mga Parokya, Leadership training, engaging young people to be involve in the life of the community. This way, maging positive at magamit yung creativity ng mga kabataan.” Pahayag ni Fr. Garganta sa Radyo Veritas.

Dahil dito, simula taong 2008 mahigpit nang nagpapatupad ng Smoking ban ang University of Santo Tomas, kung saan sa pagpasok pa lamang ng mga estudyante ay pinalalagda ito sa kasunduan na hindi ito maninigarilyo at gagamit ng mga bawal na droga.

Upang matiyak na nasusunod ang patakaran ay nagsasagawa ng surprise check up sa mga estudyante ang paaralan at sinumang magpositibo sa paninigarilyo at paggamit ng droga ay isasailalim sa counseling at masususpindi sa klase.

Samantala, sa tala ng Philippines Statistics Authority tinatayang 17.3 milyon sa populasyon ng mga Filipino ang naninigarilyo habang ayon sa World Health Organization nasa 3.3 milyon ang namatay noong 2012 sa buong mundo dahil sa pag-inom ng alak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 12,589 total views

 12,589 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 45,671 total views

 45,671 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 74,022 total views

 74,022 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 141,752 total views

 141,752 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 163,901 total views

 163,901 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,116 total views

 353,116 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top