Personal, sanhi ng awayan ng mga tribu sa Agusan del Sur – NCIP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total reads

Personal na hidwaan ang dahilan ng kasalukuyang kaguluhan at insidente ng karahasan sa lalawigan sa Agusan del Sur.

Ito ang resulta ng pangangalap ng impormasyon ng National Commission on Indigenous People sa CARAGA Region kaugnay sa naging paglikas ng ilang Tribo ng Lumad sa apat na sitio sa lalawigan.

Ayon kay Jean Gonzalez, head ng Quick Response Team ng NCIP-CARAGA Region, noong 2015 pa ang insidente ng pagpatay sa ilang miyembro ng tribo ng Lumad ng mga Magahat-na armadong grupo ng tribo sa lalawigan.

“Parang may problema sa kanila, sa tribo nila na personal na hidwaan na lumaki, kasi last year according sa report last year last July 6 may pinatay, binaril na couple tapos ang napatay yung wife ‘yung husband nabuhay na accordingly ang pumatay yung mga Magahat-yung mga Armed men mga IP din sila, mga katutubo din, so kasi natatakot sila na iba kasi itong Magahat pag may nakita daw na makita nila na gusto nilang patayin, talaga nila barilin nila, so lumikas sila..” Ang bahagi ng pahayag ni Gonzalez, sa panayam sa Radio Veritas.

Sa tala ng NCIP-CARAGA Region, 110-pamilya ang lumikas mula sa 4 na sitio sa Agusan Del Sur na katumbas ng nasa 479 na indibidwal na pansamantalang nasa ilang mga paaralan sa kapatagan.

Sa datos ng grupong KATRIBU mula 2010 ay 70-katutubo na ang naging biktima ng extra-judicial killing kung saan 53 sa mga nasawi ay mula sa rehiyon ng Mindanao.

Naitala din ng grupo ang siyam(9) na pambobomba sa mga tribal communities sa Mindanao na naging sanhi ng 54-kaso ng forced evacuation ng may 20-libong mamamayan.

Kaugnay nga nito, binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical Letter na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga tribo at katutubo na siyang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 65,165 total reads

 65,165 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 105,724 total reads

 105,724 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 130,030 total reads

 130,030 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 178,298 total reads

 178,298 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 197,864 total reads

 197,864 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 21,745 total reads

 21,745 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »
Scroll to Top