Pagtulak sa Cha-cha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total views

Mga Kapanalig, sa isang talumpati sa Cotabato City noong ika-18 ng Enero, nasabi ni Pangulong Duterte na bukás siyang amyendahan na lamang ang ilang probisyong pang-ekonomiya sa ating Saligang Batas. Ang konteksto ng kanyang pahayag ay ang kanyang pagkadismaya umano sa napakabagal na pag-usad ng usaping pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa pederalismo.

Sa mga nagtatanong kung isinusuko na ba ng pangulo ang pagtutulak sa pagpapalit ng uri ng gobyerno tungo sa pederalismo, ang kanyang tagapagsalita ay muling nagtangkang ipaliwanag ang tunay na ibig sabihin ng pangulo. Ang sabi ng tagapagsalita, humahanap lamang daw ng malikhaing paraan ang pangulo upang baguhin ang Saligang Batas, subalit ang papapalit pa rin daw ng uri ng pamahalaan tungo sa pederalismo ang kanyang layunin.

May dalawang mahalagang bahagi ang paliwanag na ito na nainam na suriin bilang mga mamamayang Kristiyano. Una, kung totoong itinutulak pa rin ng pangulo ang pagbabago ng Saligang Batas upang itatag ang isang pederal na sistema ng pamamahala, nararapat lamang niyang liwanagin kung sinasang-ayunan ba niya ang kasalukuyang bersyon ng panukalang Saligang Batas na inilabas ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Sinasabing inaalis sa bersyong iyon ang term limits sa panunungkulan ng mga halal na opisyal, at hindi rin nito ipinagbabawal ang matagal nang tinututulan ng taumbayan na mga political dynasties. Taliwas ito sa rekomendasyon ng Consultative Committee na itinalaga mismo ni Pangulong Duterte upang repasuhin ang Saligang Batas ng 1987. Hindi pa nagpapahayag hanggang ngayon ng tahasang pagtutol o pagsang-ayon ang Pangulo sa mga usapin tungkol sa term limits at political dynasties, mabibigat na mga usaping magiging malaki ang implikasyon sa lalo pang pagpapahina ng demokrasya sa ating bansa. Kung layunin ng pamahalaang ituloy ang pagbabago tungo sa pederalismo, bakit hindi hayagang pag-usapan at kilatising mabuti ang mga panukalang nakasalang ngayon, isa rito ang resolusyong inilabas ng Mababang Kapulungan?

Ikalawa, kung ang sinasabi ng tagapagsalita ng pangulo ay inuuna muna ng pangulo ang pagtutulak ng mga economic provision” na nais niyang baguhin, at ipinapalagay na isa na rito ay ang mga probisyong naglilimita sa mga dayuhang pamumuhunan, o foreign investments, bakit hindi hayagang ipinaliliwanag kung anu-ano ang mga nais baguhin upang mapag-aralan, mapag-usapan, at mapagdebatehan ang mga ito ng mga mamamayan.

Tulad ng ginawang pagbubuo ng Mababang Kapulungan ng sariling bersyon nito ng panukalang Saligang Batas na hindi dumaan sa malawak na pagtatalakayan at pag-aaral ng mga mamamayan, hindi kaya ganito rin ang maaring gawin patungkol sa pagbabago ng mga economic provisions? Baka mabulaga na lamang ang taumbayan na may desisyon na ang mga tinaguriang mga kinatawan nila ukol sa economic provisions, subalit hindi man lamang naipaalam ng mga mamamayan ang kanilang paninindigan ukol sa mga ito sapagkat hindi naman ito hayagang pinag-uusapan.

Lubhang mapanganib ang ganitong uri ng pagpapasyang hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang makilahok at hindi isinasaalang-alang ang paninindigan at kagalingan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Taliwas din ito sa itinuturo ng ating Simbahan. Bagama’t hindi tahasang ipinagbabawal ang pakikilahok ng mga mamamayan sa isyu ng Cha-cha, ang pagkukubli sa mga mamamayan ng tunay na layunin ng mga namamahala, ang kawalan ng hayagan at malawak na talakayan ng mga panukalang batas, at ang mabilisang pagpapasya ng mga gumagawa ng mga batas nang kulang ang impormasyong ipinaaabot sa tao ay para na ring pagkakait sa mga mamamayan ng kanilang karapatang makilahok sa buhay pampulitika at panlipunan ng bansa.

Mga Kapanalig, hinihingi ng mga panahong ito ang ating pagiging mulát at alisto bilang mga Kristiyanong mamamayan. Tungkulin nating alamin at lahukan ang mga usaping magtatakda ng kinabukasan ng demokrasya sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,648 total views

 18,648 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 93,262 total views

 93,262 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 173,341 total views

 173,341 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,480 total views

 216,480 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,434 total views

 216,434 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,649 total views

 18,649 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 93,263 total views

 93,263 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 173,342 total views

 173,342 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,481 total views

 216,481 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top