Pagsuspinde sa prelebihiyo ng mga bilanggo, tinutulan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi solusyon ang pagsuspinde o pagpapatigil sa mga pribilehiyo ng mga bilanggo sa patuloy na pagpasok ng droga sa mga bilangguan.

Pinayuhan ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng komisyon si BuCor Director Nicanor Faeldon na gamitin ang kanilang intelligence fund upang masawata ang iligal na gawain sa mga bilangguan.

Iginiit ni Diamante na dapat bigyang konsiderasyon ng BuCor ang kapamilya ng mga bilanggo na dumadalaw sa mga bilangguan na nagmula pa sa mga malalayong lugar .

“Hindi talaga solusyon yung pag-suspend ng privileges nung mga dalaw because it’s not going to solve anything, what is important is for Faeldon (BuCor Director General Nicanor Faeldon) to use yung kanyang intelligence fund to identify kung saan nanggagaling yung contraband, alleged contraband na pumapasok because if you suspend the privileges of the prisoners kawawa yung mga pamilya na dumadalaw especially very abrupt yung pag-suspend niya kasi there was not even a warning immediately sinuspend niya lahat…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Diamante na mahalaga ang dalaw para sa mga bilanggo na malaking tulong sa kanilang pagbabago at pagbabalik loob.

Naniniwala si Diamante na hindi matutukoy sa naturang pamamaraan ang tunay na dahilan o pinagmumulan ng mga kontrabandong nakakapasok sa mga bilangguan.

“Mahalaga yung dalaw sa mga inmates, pati yung pagpasok ng mga volunteers yung services practically isolating the entire colony from visitors and from their families which with not solve, what is unfortunate about it is it will not identify kung sino ang nagpapasok ng contraband, so mahalaga meron silang ibang pwedeng pamamaraan na yun nga gamitin nila yung intelligence fund na ang laki-laki…” Dagdag pa ni Diamante.

Kasunod ng kautusan ni BuCor Director Faeldon na suspendihin ang visiting privileges at recreational activities ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa buong bansa ay nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala lamang ang hakbang upang mabigyan ng panahon ang BuCor na makapagsagawa ng naaangkop na solusyon sa problema.

Batay sa tala, mahigit sa 45,000 ang bilang ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa bansa kung saan kinansela ang visiting privileges at recreational activities na kinabibilangan ng New Bilibid Prison, Correctional Institution for Women, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison.

Naunang umapela si Diocese of Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon – Chairman ng komisyon sa Bureau of Corrections na humanap ng ibang paraan na masolusyunan ang problema ng smuggling ng mga kontrabando sa mga bilangguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,655 total reads

 212,655 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,328 total reads

 247,328 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,228 total reads

 263,228 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,718 total reads

 299,718 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,695 total reads

 305,695 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,866 total reads

 46,866 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top