Pagiging katuwang ng Simbahan sa edukasyon, pinapurihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 393 total reads

Nangako si outgoing Department of Education (DepEd) Sec. Bro. Armin Luistro, FSC na sa pagbaba nito sa pwesto tutulong siya sa Caritas Manila sa programa nitong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

Pinapurihan ni Luistro ang pagiging katuwang ng Simbahan sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga kabataan lalo na ng mapakinggan ng kalihim ng edukasyon ang natatanging kwento ng dalawang “outstanding scholars” ng YSLEP mula sa Kabankalan City, Negros Occidental na naging kasambahay.

“Maraming gustong tumulong diyan, ang aking pangako pagbaba ko sa DepEd siguro mas marami na kong panahon para makisama dun sa mga NGO’s na tumutulong sa ganito at baka magkakapit – bisig na rin kami ng Caritas para mapagtulungan natin ito,” bahagi ng pahayag ni Luistro sa panayam ng Veritas Patrol.

Hinimok naman ni Luistro ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang scholarship program ng Simbahan dahil naniniwala ito na ang pagbibigay ng edukasyon ay isang pamana na hindi mababayaran.

“Ako po si Bro. Armin sa DepEd at ako po ay isa sa mga believers na ang ating pagtulong na scholarships lalong – lalo na sa pang–kolehiyo ng ating mga kabataang Pilipino ay isang pamana na hindi natin mababayaran. Ito po ay makapagbibigay sa atin ng napakaraming ligaya na sana kasama po kayo sa lahat ng programa ng Caritas sa pagbibigay ng scholarship lalong – lalo na sa mga nakatapos na ng high school at may pangarap rin namang makatuntong sa kolehiyo,” paanyaya pa ni Luistro sa mga mananampalataya na suportahan ang YSLEP.

Nakalikom naman ng mahigit P5 milyon sa katatapos lamang na Caritas Manila Back–to–School Telethon na isinagawa sa Radyo Veritas upang matulungan ang nasa 5,000 iskolar ng YSLEP.

Nauna na ring ipinaalala ni Caritas Manila Executive Director at Pangulo ng Radyo Veritas Rev. Fr. Anton CT Pascual na ang edukasyon ay isang “equalizer” na makatutulong sa mga mahihirap na mai–angat ang antas ng kanilang pamumuhay.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,583 total reads

 12,583 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,780 total reads

 13,780 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,517 total reads

 28,517 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,894 total reads

 65,894 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,164 total reads

 97,164 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,572 total reads

 172,572 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,423 total reads

 265,423 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 208,761 total reads

 208,761 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 351,866 total reads

 351,866 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top