Pag-ibig, ginamit na pantapat ni Hesus sa kasamaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Pag-ibig na handang magdusa ang ginamit ni Hesus na pangtapat sa kasamaan.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagdiriwang sa Pagpapakasakit ng Panginoon noong Biyernes Santo, ika-19 ng Abril, 2019.

Nilinaw ng Kardinal na pag-ibig ang nagliligtas at hindi ang pagpapakasakit dahil maaaring makaranas ng pasakit ang mga tao gayung hindi naman ito umiibig at anu mang mga paghihirap at pasakit ay hindi magdadala ng kaligtasan kung wala din itong pag-ibig.

“Pag-ibig ang nagliligtas laban sa kasamaan. Nagdurusa ka nga, wala ka namang pag-ibig. Nagdurusa ka nga, reklamo ka naman ng reklamo, walang kaligtasan iyon.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, sa pagdiriwang ng taon ng mga kabataan, nagbahagi naman ng tatlong punto ang Arsobispo kung paanong maipakikita ang pagtugon sa pag-ibig ni Kristo nahandang magdusa.

PAG-BIG NA NAKABATAY SA KATOTOHANAN

Binigyang diin ng Kardinal na ang tunay na umiibig ay naghahayag ng katotohanan at hindi nagkukubli ng anu man sa kanyang sarili o pagkatao.

Dagdag pa nito kasama ng paghahayag sa katotohanan ay ang katapangan at paninindigan sa kung ano ang totoo, at hindi ang pagkukubi sa likod ng mga kasinungalin.

“Mga kabataan, mabuhay kayo sa katotohanan. Ang umiibig totoo, nakalulungkot na pati sa social media, kung ano-anong pangalan ang ginagamit. Kung bumabatikos matapang lang kasi hindi n’ya ginagamit ang tunay n’yang pangalan. Ang daming duwag sa mundong ito, at dahil duwag, hindi marunong magpahayag ng katotohanan.” Pagbabahagi ng Kardinal.

PAG-IBIG NA HINDI NAGPAPAHAMAK

Umapela naman si Cardinal Tagle sa mga kabataan at sa lahat ng mananampalataya, na huwag maging ugali ang pagpapahamak ng ibang tao mailigtas lamang ang kanyang sarili.

Aniya, tulad ng ipinakita ni Hesus nang siya ay hulihin, hindi nito ipinahamak o ipinain ang isa man sa Kanyang mga alagad at sa halip ay isinuko Niya ang Kanyang sarili upang mailigtas ang iba.

“Kapag nasanay kayo na ipahamak ang iba para lamang maisalba ang sarili, kasasanayan ninyo yan. Baka ipahamak ninyo ang asawa ninyo, baka ipahamak ninyo ang anak ninyo at ang iba pa. Mga kabataan, simulant ngayon ang pagiging marangal na tao, hindi nagpapahamak ng iba. Kung ikaw ang may sala harapin mo, huwag kang magtuturo ng iba na mapapahamak dahil sa iyong pagkatakot at kasinungalingan.”

ANG PAG-IBIG AY HINDI NAPAPATAY NG SINDAK

Samantala, isinalaysay naman ni Cardinal Tagle na ang pagsigaw at paninindak ng mga sacerdote kay Anas, Caifas at Pilato ang dahilan kung bakit ipinako at ipinapatay si Hesus.

Gayunman sa kanilang ng pagsigaw sa Kanya ay katahimikan lamang ang isinagot ng Panginoong Hesukristo dahil batid niyang nasa Kanya ang katotohanan.

Dahil dito, hinamon ng Arsobispo ang mga mananampalataya lalo’t higit ang mga kabataan na simula ngayong Biyernes Santo ay huwag maging katulad ng taong-bayan at mga sacerdote na naninindak ng kapwa, marahas, at mapang-api.

“Isipin ninyo, ang nagpapatay kay Hesus, ang mga naninindak, pasigaw-sigaw. Ang ating tagapagligtas tahimik dahil ang katotohanan ang mananaig.”

Biyernes Santo ang araw kung saan ginugunita ng buong Simbahang Katolika ang kamatayan ni Hesus sa Krus na nagdala naman ng kaligtasan at buhay sa mga mananampalataya.

Sa araw ding ito ay hindi ipinagdiriwang ang Banal na Misa at sa halip ay pinakikinggan at pinagninilayan ang mga Salita ng Diyos hinggil sa kamatayan ni Hesus.

Kabilang sa tatlong bahagi ng pagdiriwang na ito ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos; Pagpaparangal sa Krus na Banal; at Pakikinabang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,593 total reads

 118,593 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,124 total reads

 256,124 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,900 total reads

 371,900 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,602 total reads

 487,602 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,144 total reads

 47,144 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,679 total reads

 76,679 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,523 total reads

 69,523 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top