Mananampalataya, kailangang maging alisto laban sa terorismo at kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total views

Pinaalalahanan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mga kawani ng simbahan maging ang mga mananampalataya na tuwinang maging alisto at mapagmatyag.

Ito ay kaugnay na rin sa mga posibleng banta ng terorismo tulad ng naganap sa Srilanka kung saan 300 katao ang nasawi.

Sa ulat, dalawang katolikong simbahan ang pinasabog ng mga hinihinilang terorista kasabay ng pagdiriwang ng simbahang katolika ng pista ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Paliwanag ng obispo, kinakailangan na maging alisto ang mga parishioners sa mga kahihinalang tao o bagay na makikita sa simbahan at agad itong iulat sa kinauukulan.

“Dapat ang bawat member ng community ay mapagmatyag tapos kung mayroong mga unusual na kilos ng taong hindi kilala, na hindi familiar kailangang ireport sa awtoridad o sa parish priest o mga pari. Para makagawa nang hakbang. Kung mayroong masamang balak ay mahadlangan na,” ayon kay Bishop Varquez.

Giit ng obispo ang paglalagay ng karagdagang security personnel ay magdudulot lamang ng pangamba o takot sa mga mananampalataya na nasa loob ng tahanan ng Diyos.

Naniniwala ang obispo na ang pagtutulungan ng bawat isa ay magiging hadlang sa mga nagnanais na gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

Nanawagan naman ng obispo sa mga mananampalataya nang ibayong pag-iingat dulot ng magkakasunod na lindol sa bansa.

Ayon sa obispo, walang babala ang pagdating ng lindol kaya’t hinikayat ang mga mananampalataya na maging alisto sa anumang oras upang makaiwas sa aksidente.

“Tayo po’y mag ingat. Ang lindol po ay hindi nagpaalam. Bigla lang dumarating. Kaya let us all be very careful para maiwasan ang mga casualties, iba na talaga ang panahon ngayon,” ayon pa sa obispo.

Araw ng Martes nang yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Samar, bagama’t ayon sa obispo ay wala namang malaking pinsala ang dulot nito sa lalawigan.

Nakatakda ring ipasuri ni Bishop Varquez ang Nativity of Our Lady Cathedral o kilala bilang Borongan Cathedral dahil sa nakitang maliit na bitak sa isang haligi ng simbahan.

Sa loob ng isang linggo, hindi bababa sa limang lindol ang tumama sa bansa kabilang dito ang pagyanig sa Zambales, Samar Bataan, Davao at Batangas.

Labing lima katao naman ang nasawi mula sa Pampanga dahil sa pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 4,974 total views

 4,974 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 79,588 total views

 79,588 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 159,667 total views

 159,667 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 202,806 total views

 202,806 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 203,647 total views

 203,647 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top