Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

NYD 2019 delegates, pinuri ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

 291 total views

Puno nang kagalakan na sinalubong ng mga delegadong kabataan ang welcoming Mass para sa National Youth Day 2019.

Ang Misa ay ginanap kasunod ng Solemn Foot Procession mula sa Cebu City Sports Complex patungong Basilica Minore del Santo Niño kung saan idinaos ang Banal na Eukaristiya.

Kabilang sa mga Santo sa prusisyon ang imahe ni San Pedro Calungsod, Mahal na Birhen ng Guadalupe at ang imahe ng Batang Hesus o Santo Niño.

Sinalubong ni Cebu Archbishop Jose Palma ang replica ng Santo Niño at inilagak sa dambana ng Simbahan bago magsimula ang Banal na Misa.

Sa homiliya nagpasalamat ang Arsobispo sa mahigit 12, 000 kabataang delegado sa pagpapakita ng masidhing pananampalataya sa pakikiisa sa isinagawang prusisyon at debosyon kay Hesukristo at ang aktibong paglahok sa mga gawain ng NYD.

Pinaalalahanan ng Arsobispo ang bawat isa na kasama sa ating paglalakbay sa mundo si Hesus.

“The good news would like to remind us especially young people, in the journey of life we do not walk alone, Jesus walks with us,” bahagi ng homiliya ni Archbishop Palma.

Pagkatapos ng Banal na Pagdiriwang, isinagawa ang traditional Sinulog dance upang mabigyang pagkakataon ang mga kabataan na hindi nakadadalo ng Sinulog tuwing Enero na maranasan ang diwa ng Kapiyestahan.

Pinangunahan ni Archbishop Palma ang buong pagdiriwang kasama ang 15 pang mga Obispo at halos 400 mga Pari mula sa iba’t ibang Diyosesis at Arkidiyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,113 total views

 11,113 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,073 total views

 25,073 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,225 total views

 42,225 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,645 total views

 92,645 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,565 total views

 108,565 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,251 total views

 16,251 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top