Publiko, binalaan ng Diocese of Cubao sa kumakalat na fake solicitation kay Bishop Ongtioco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total views

Nagbabala ang Diocese ng Cubao sa publiko hinggil sa kumakalat na fake news tungkol kay Bishop Honesto Ongtioco.

Batay sa inilabas na pahayag ng Diyosesis, may kumakalat na text message kung saan humihingi ng tulong pinansyal para sa pagpagamot ng Obispo dahil sasailalim ito sa triple by-pass surgery.

Nilinaw ng Diocese na walang katotohanan ang mensahe at nasa mabuting kalusugan si Bishop Ongtioco kaya’t hinimok ang mananampalataya na iwasan ang pagbibigay ng pera kung makatatanggap ng nasabing mensahe.

Bukod sa text messages, gumawa rin ng pekeng facebook account na ‘Nes Ongtioco’ ang hindi pa natukoy na indibidwal at humihingi rin ng pera para sa kaparehong kadahilanan.

Iginiit ng pamunuan ng Diocese na iisa lang ang opisyal na FB account ng Obispo na may pangalang ‘Honesto F. Ongtioco’ at pinaalalahanan ang bawat mananampalataya na tanggapin lamang ang friend request mula sa opisyal na account.

Ikinalungkot ng Diyosesis ang mapanlinlang na intensyon ng nagpapakalat ng pekeng impormasyon.

Tinitiyak naman na kaisa ang buong Diocese sa paglaban sa fake news sa lipunan na unang tinukoy ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isang uri ng pagnanakaw; pagnanakaw ng pagkatao at dignidad ng tao.

Hiling ng Diocese na makipagtulungan ang mga tao sa isasagawang imbestigasyon partikular na ang mga nakatanggap ng mensahe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 2,420 total views

 2,420 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 77,034 total views

 77,034 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 157,113 total views

 157,113 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 200,252 total views

 200,252 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 201,273 total views

 201,273 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top