Mananampalataya, kailangang maging alisto laban sa terorismo at kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Pinaalalahanan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mga kawani ng simbahan maging ang mga mananampalataya na tuwinang maging alisto at mapagmatyag.

Ito ay kaugnay na rin sa mga posibleng banta ng terorismo tulad ng naganap sa Srilanka kung saan 300 katao ang nasawi.

Sa ulat, dalawang katolikong simbahan ang pinasabog ng mga hinihinilang terorista kasabay ng pagdiriwang ng simbahang katolika ng pista ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Paliwanag ng obispo, kinakailangan na maging alisto ang mga parishioners sa mga kahihinalang tao o bagay na makikita sa simbahan at agad itong iulat sa kinauukulan.

“Dapat ang bawat member ng community ay mapagmatyag tapos kung mayroong mga unusual na kilos ng taong hindi kilala, na hindi familiar kailangang ireport sa awtoridad o sa parish priest o mga pari. Para makagawa nang hakbang. Kung mayroong masamang balak ay mahadlangan na,” ayon kay Bishop Varquez.

Giit ng obispo ang paglalagay ng karagdagang security personnel ay magdudulot lamang ng pangamba o takot sa mga mananampalataya na nasa loob ng tahanan ng Diyos.

Naniniwala ang obispo na ang pagtutulungan ng bawat isa ay magiging hadlang sa mga nagnanais na gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

Nanawagan naman ng obispo sa mga mananampalataya nang ibayong pag-iingat dulot ng magkakasunod na lindol sa bansa.

Ayon sa obispo, walang babala ang pagdating ng lindol kaya’t hinikayat ang mga mananampalataya na maging alisto sa anumang oras upang makaiwas sa aksidente.

“Tayo po’y mag ingat. Ang lindol po ay hindi nagpaalam. Bigla lang dumarating. Kaya let us all be very careful para maiwasan ang mga casualties, iba na talaga ang panahon ngayon,” ayon pa sa obispo.

Araw ng Martes nang yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Samar, bagama’t ayon sa obispo ay wala namang malaking pinsala ang dulot nito sa lalawigan.

Nakatakda ring ipasuri ni Bishop Varquez ang Nativity of Our Lady Cathedral o kilala bilang Borongan Cathedral dahil sa nakitang maliit na bitak sa isang haligi ng simbahan.

Sa loob ng isang linggo, hindi bababa sa limang lindol ang tumama sa bansa kabilang dito ang pagyanig sa Zambales, Samar Bataan, Davao at Batangas.

Labing lima katao naman ang nasawi mula sa Pampanga dahil sa pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 14,488 total reads

 14,488 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 53,697 total reads

 53,697 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 88,997 total reads

 88,997 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 315,266 total reads

 315,266 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 207,806 total reads

 207,806 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,958 total reads

 7,958 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top