Bishop Villarojo, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total views

Malugod na tinanggap ni Bishop Dennis Villarojo ang pagkakatalaga bilang ika-5 Obispo ng Diocese ng Malolos.

Sa panayam ng Radio Veritas, nagpapasalamat si Bishop Villarojo sa tiwalang ibinigay ng Santo Papa Francisco para pangasiwaan ang diyosesis na may higit sa tatlong milyong mananampalataya, higit sa 200 mga pari at may 100 mga parokya.

Si Bishop Villarojo ay kasalukuyang auxiliary bishop ng Archdiocese ng Cebu na siyang hahalili kay Bishop Jose Oliveros na namayapa noong Mayo ng nakalipas na taon.

Ang diyosesis ay pansamantalang pinangasiwaan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na itinalaga ng Santo Papa bilang Apostolic Administrator.

Ang Obispo ay tubong Cebu City at ginugol ang kanyang 25-taon sa pagkapari sa Archdiocese ng Cebu.

Si Bishop Villarojo ay inordinahan bilang pari noong 1994 at nagsilbi bilang personal secretary ng namayapang si Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.

Taong 2015 nang ordinahan bilang Obispo at auxiliary bishop ng Cebu.

Itinalaga din bilang General Secretary ng 51st International Eucharistic Congress 2016 na idinaos sa Cebu City.

Sa pagkakatalaga ni Bishop Villarojo apat pa sa mga diyosesis sa bansa ang sede vacante o walang nangangasiwang Obispo.

Sa kasalukuyan mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa, apat pang diyosesis ang wala pa ring Obispo kabilang na ang Jolo, Sulu; Iligan; San Jose Mindoro at Taytay-Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 229,726 total views

 229,726 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 259,949 total views

 259,949 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 286,593 total views

 286,593 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 381,566 total views

 381,566 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 387,742 total views

 387,742 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top