Dahil sa mga problema sa halalan; Black Friday protest, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,874 total reads

Nanawagan ang mga Non-Government Organizations sa mamamayan na makiisa sa isasagawang Black Friday Protest bilang pagkondena sa malawakang pandaraya sa katatapos lamang na midterm elections.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa – Secretary General ng Sanlakas na bahagi ng Partido Lakas Masa, kinakailangang imbestigahan ang Commission on Elections at Smartmatic, upang magkaroon ng kaliwanagan kung bakit may depekto sa mahigit 1,000 Security Digital Cards (SD Card), at 1,333 Vote Counting Machines.

Dagdag pa ni Atty. Pedrosa, dapat rin magpaliwanag muli ang COMELEC sa pagkakaroon ng pitong oras na delay sa resulta ng Transparency Server.

Una ng hiningi ng iba’t-ibang mga partylist ang disclosure access sa mga data logs ng VCM mula mismo sa precinct level.

Ayon sa grupo kung mapatutunayan na ang mga botong binibilang sa canvassing ay mula mismo sa mga prisinto, ay mababawasan na ang duda ng mamamayan.

“Kung ma-establish natin na yung boto at the precinct level na na-cast ay yun din ang kina-canvass ngayon, then that would dispel and allay yung suspicion sa irregularities,” bahagi ng paliwanag ni Atty. Pedrosa sa Radyo Veritas.

Bago ang pagkilos ng iba’t-ibang mga grupo, maghahain din ang mga partido na Murang Kuryente, Lakas ng Masa, Akbayan, Serbisyong Bayan at Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development (APPEND) ng motion and manifestation na naglalaman ng mga nabanggit na iregularidad sa eleksyon upang pormal itong masagot ng COMELEC.

Matapos ito, alas-kwatro ng hapon ay magtitipon ang mga grupo kasama ang iba pang organisasyon sa PICC grounds kung saan kasalukuyang ginagawa ang canvassing ng mga boto.

“Tayo’y nananawagan sa lahat ng mamamayan na sinusubaybayan itong nagdaang halalan at ang canvassing na nagaganap. Malinaw po na maraming mga katanungan ang hindi nasasagot, na pinapalampas at tila ba dinadagan [tinatabunan] hindi sinasagot ng COMELEC at ng administrasyon, ang panawagan lang natin ay simple, magkaroon ng malinaw, malinis, credible na resulta ang halalan,” pahayag ni Atty. Pedrosa.

Hinikayat pa nito ang taumbayan na magsuot ng itim, bilang pagpapakita ng pagkondena sa dayaan at upang ihayag ang kahilingan ng mga Pilipino na magkaroon ng malinis, at tapat na resulta ang halalan.

“Magsuot ng itim, ito po ay pagpapahayag na pinoprotesta natin yung malawakang dayaan, disenfranchisement, vote buying na tila ba hindi na tayo umusad dyan mula pa noong unang na set up yung automated election process. Tumindig, mag-ingay at makiisa sa gagawing pagkilos,” dagdag pa ni Atty. Pedrosa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 6,062 total reads

 6,062 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,652 total reads

 45,652 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 81,042 total reads

 81,042 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 307,311 total reads

 307,311 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 200,365 total reads

 200,365 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,371 total reads

 35,371 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,264 total reads

 28,264 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top