Caritas Manila at Radio Veritas, dadalo sa Aid and International Development forum sa Bangkok,Thailand

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total reads

Pursigido ang Simbahang Katolika partikular na ang Archdiocese of Manila na patatagin ang kanilang kahandaan at kaalaman sa Disaster Preparedness and Response.

Dahil dito dadalo ang mga kinatawan ng Caritas Manila at himpilan ng Radyo Veritas sa gaganaping Aid and International Development Forum sa ika-21 hanggang ika-22 ng Hunyo sa Bangkok, Thailand kung saan ilan sa mga pangunahing tatalakayin ay ang epektibong pagtugon sa mga mapaminsalang kalamidad na isa sa mga pangunahing suliranin sa Pilipinas.

Dadaluhan ang pagtitipon ng mahigit sa 200 organisasyon mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na magbibigay ng karagdagang kaalaman sa pagtugon at komunikasyon sa panahon ng kalamidad ganon na rin ang pagharap sa iba’t-ibang banta sa sektor ng kalusugan.

Ang Caritas Manila na siyang tumatayong Social Arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ay kasalukuyan nang kumikilos upang ihanda ang iba’t-ibang mga Typhoon Prone Dioceses sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Oplan Damayan” o ang pagsasama-sama ng mga Diyosesis na nasa eastern seaboard ng bansa at siyang pinakamadalas na naapektuhan ng mga mapaminsalang bagyo.

Sa bahagi naman ng Radyo Veritas, ang isa sa pinakamatagal ng AM Radio sa Pilipinas ay tinitiyak na magsisilbing himpilan ng komumikasyon ng mga organisasyon ng Simbahang Katolika sa oras ng kalamidad.

Magugunitang sa pag-aaral na inilabas ng isang sangay ng United Nations noong taong 2015, sinasabing ang Pilipinas ay ika-apat sa mga bansa sa buong mundo na maituturing na pinaka malapit sa kalamidad.

Tinayang aabot sa 20 bagyo kada taon ang dumarating sa Pilipinas at nito lamang buwan ng Mayo ay opisyal ng ideneklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 15,266 total reads

 15,266 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 102,429 total reads

 102,429 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 149,169 total reads

 149,169 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 197,041 total reads

 197,041 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 300,379 total reads

 300,379 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,273 total reads

 113,273 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top