Obispo sa pamahalaan, pakinggan ang boses ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,136 total reads

Pinuri ng Obispo ang aktibong pangunguna ng mga kabataan sa Climate Youth Strike na ginawa sa iba’t-ibang panig ng mundo noong ika-24 ng Mayo.

Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminasa, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries na mahalaga ang pakikisangkot ng mga kabataan sa ganitong gawain dahil dito nakasalalay ang mundong kanilang mamanahin.

Binigyang diin ng Obispo na ang kalagayan ng mundong iiwan ng mga nakatatanda ang magdedetermina kung anong uri ng kinabukasan ang makakamit ng susunod na henerasyon.

Iginiit ng Obispo na kung ipagsasawalang bahala ng pamahalaan ang panawagan ng mga kabataan ay sila ang higit na magdurusa sa mga sakunang dulot ng pagkasira ng kalikasan.

“Salamat sa inyong aktibong pakikilahok sa Climate strike natin kase, mahalaga ito, nakasalalay dito yung inyong kinabukasan. Kung hindi tayo pakinggan ng ating mga leaders, ang kawawa talaga ay yung next generation. Kaya nananawagan po ako na sana pakinggan natin ang boses ng ating mga kabataan, kasi sila naman talaga ang kinabukasan, at sana nga marami ang sumama at sumama lalo sa mga gawain na ganito para sa pag-iingat ng ating kalikasan kasi ang pagpapahalaga natin sa ating kalikasan ay pagpapahalaga rin sa ating mga mahal sa buhay.” Pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Ang Climate Youth Strike ay sabay-sabay na panawagan ng halos 100,000 mga kabataan mula sa iba’t-ibang bansa, at kabilang dito ang Pilipinas.

Nagsagawa ng pagkilos ang mga kabataan sa Tacloban, Bacolod, Pampanga, Ilocos Norte, Negros Occidental, Mindanao, at Maynila.

Layunin nito na bigyang diin sa mga mambabatas at pinuno ng bansa na bigyang halaga at seryosohin ang pangangalaga sa kalikasan, matapos ilabas ng Intergovernmental Panel on Climate Change ang ulat na mayroon na lamang 12 taon para mapigilan ang pagtaas ng temperatura ng mundo.

Kinakailangan na mapanatili sa temperatura na 1.5 degree centigrade ang init ng buong mundo dahil ito ang sealing temperature o ligtas na temperaturang makakayanan ng mga tao upang makapamuhay sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,069 total reads

 126,069 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,111 total reads

 263,111 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,886 total reads

 378,886 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,140 total reads

 494,140 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,292 total reads

 47,292 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,827 total reads

 76,827 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,671 total reads

 69,671 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top