CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,273 total reads

Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Father Restituto Ogsimer – Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sa loob ng dalawang linggong paglilibot nila sa Filipino communities sa Kuwait ay limang Pilipino na ang pumanaw.

Sinabi ng Pari na kalimitang sanhi ng pagkamatay ay stroke at brain aneurism.

Ikinabahala ng Pari na isa sa mga pumanaw ay 27 taong gulang pa lamang habang ang iba ay nasa 40 hanggang 50 taong gulang.

Inihayag ni Father Ogsimer na mahalagang laging matiyak na malusog ang pangangatawan dahil iba ang kultura ng mga trabaho sa ibang bansa.

“Yung kalusugan is really a primary requirement, good health status ay napakahalaga and isipin po ninyo na pagsampa ninyo sa ibang bansa, ang vulnerability is higher napakataas kasi hindi natin masisigurado kung ano ang working conditions, dynamics ng papasukan nating trabaho.” pahayag ni Father Ogsimer sa Radyo Veritas.

Pinayuhan din ng Pari ang mga OFW na mag-research at tiyakin din na maayos ang kanilang magiging employer bago makipagsapalaran sa ibayong dagat.

“Siguraduhin na ang perspective employer ay maayos ang kanyang track record kasi kailangan i-C.I. mo din sa sarili mong paraan kung ang papasukan mong kumpanya o employer ay maayos.” Dagdag pa ng Pari.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo at ayon din sa United Nations umabot na sa anim na libong Pilipino ang umaalis sa bansa kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,409 total reads

 14,409 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,710 total reads

 100,710 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 138,082 total reads

 138,082 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,342 total reads

 169,342 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,483 total reads

 241,483 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,101 total reads

 377,101 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top