Stop killing drug suspects, panawagan ng Diocese of Malolos sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Nananawagan ang Diocese ng Malolos sa mga awtoridad para matigil na ang mga pagpaslang sa mga hinihinalang drug addict at drug suspects sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ang panawagan ni Fr. Nicanor Lalog III – director ng Social communications ng Diocese ng Malolos matapos ituring ang Bulacan bilang ‘countries bloodiest killing field’ sa isinagawang pag-aaral ng Amnesty International.

“We should ask, we should demand authorities to stop these brutalities. Kasi it’s not solving the problem. Murder, killing drug suspects, murder is never a solution,” pahayag Fr. Lalog sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat, naitala ang 27 pagpaslang sa Bulacan simula buwan ng Mayo 2018 hanggang Abril ng kasalukuyang taon na ang kalimitang dahilan ay panlalaban ng mga inaaresto sa mga pulis.

Iginiit ng pari na hindi kailanman tugon sa suliranin sa droga ang pagpatay sa mga hinihinalang lulong sa masamang bisyo.

Naghahanda naman ang Diyosesis sa pagkakaroon ng isang tanggapan na binubuo ng mga doktor, abogado at iba pang mga eksperto para tumulong sa mga drug addicts hindi lamang sa legal na paraan kundi para sa kanilang pagpapanibago.

“Isang proposal nga ay magkaroon ng isang isang center kung saan there will be a pool of doctors, and lawyers and experts who would be helping itong mga drug addicts and drug suspects kung paano sila maihahanda para kumuha ng legal aid and the same time maihanda para maibalik sa lipunan, mai-rehabilitate matulungan sila at makahanap ng paraan para masawata na itong problema sa droga,” ayon kay Fr. Lalog.

Bago pa man ang inilunsad ang programa na war against drugs ng administrasyong Duterte, 17- taon nang tumutulong ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos sa mga lulong sa masasamang bisyo.

Ang Galilee Homes o ‘Tahanan’ ay matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan na sa kasalukuyan ay may higit sa 36 na residente kabilang na ang ilang mga lulong sa ilegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,931 total reads

 11,931 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,342 total reads

 51,342 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 86,642 total reads

 86,642 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,911 total reads

 312,911 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 205,576 total reads

 205,576 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,708 total reads

 7,708 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top