Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinaka-batang Obispo, itatalaga sa Diocese of Iligan

SHARE THE TRUTH

 381 total views

Puspusan na ang paghahanda ng simbahan para sa magkakasunod na ordinasyon at pagtatalaga ng mga bagong Obispo sa iba’t-ibang Diyosesis.

Sa ika-20 ng Agosto nakatakdang ordinahan ang tinaguriang pinaka batang Obispo sa Pilipinas na si Bishop Jose Rapadas sa Cathedral of St. Joseph the Worker sa Diocese of Ipil, Zamboanga.

Itatalaga siya bilang Obispo ng Diocese of Iligan sa ikalima ng Septyembre.

Kasunod nito, ika-21 ng Agosto itatalaga naman sa Minor Basilica of Our Lady of Immaculate Conception bilang ikalimang Obispo ng Diocese of Malolos si Bishop Dennis Villarojo, ang dating auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu.

Samantala, sa ika-22 ng Agosto, oordinahan bilang Obispo si Bishop Roberto Gaa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Archdiocese of Manila.

Nakatakda itong italaga sa Diocese of Novaliches sa ika-24 naman ng Agosto.

Sa kasalukuyan, simula noong Enero 2019, walo na ang mga bagong hinirang na Obispo ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Bukod kina Bishop Rapadas at Bishop Gaa, kabilang pa sa walong ito sina, Bishop Ronaldo Lunas sa Diocese of Pagadian, Bishop Rex Andrew Alarcon sa Diocese of Daet, Bishop Marvyn Maceda sa Diocese of Antique, Bishop Fidelis Layog-Auxilary Bishop sa Archdiocese of Lingayen, Dagupan, Bishop Leo Dalmao sa Prelatura ng Isabela, at Bishop Cosme Damian Almedilla sa Dioceses of Butuan.

Sa kasalukuyan, mayroon na lamang tatlong natitirang Vacant Sees(sede vacante sa Pilipinas, at ito ang mga Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu, San Jose, Mindoro at Taytay, Palawan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,453 total views

 47,453 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,541 total views

 63,541 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,931 total views

 100,931 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,882 total views

 111,882 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,950 total views

 162,950 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 106,796 total views

 106,796 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top