38,768 total views
Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19
Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi naman ito magigng hadlang sa pagpapatuloy ng mga gawain ng simbahan sa pagsisimula ng panahon ng kwaresma.
“Mahalaga po mag ingat tayo kaya kahit na sa simbahan tayo’y gumagawa ng mga hakbang. pansamantala lang ito” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco.
Ilang paalala na binigyang diin ng Obispo ang pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan ng kamay, ang hindi paghahawak-hawak ng kamay sa pananalangin ng Ama Namin, pag-aalis ng mga banal na tubig sa harapan ng simbahan at iwasan din ang pakikipagkamay o beso-beso.
Samantala, tulad ng unang inihayag ni CBCP Vice President, at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, iminungkahi din ni Bishop Ongtioco ang pagbubudbod ng abo sa bumbunan ng mananampalataya tulad ng ginagawa sa lumang tipan, at patuloy na isinasagawa sa Italya at ilang bahagi ng Latin America.
“Itong Ash Wednesday, dati po di ba nilalagyan tayo ng krus sa pamamagitan ng abong nilagyan ng tubig but there is contact so ito po ay makikita na din natin sa lumang tipan yung pagsasakripisyo, anong ginagawa nila? binubudbod yung ashes sa kanilang bunbunan. So ito ang gagawin natin sa halip na basa, ibubudbod ng konti, tanda ng pagbabalik loob, pagpapakumbaba.” Dagdag pa ng Obispo.
Kaugnay dito, naglabas na rin ng Circular si Bishop Ongtioco upang paalalahanan ang mga parokya sa mga pag-iingat na dapat gawin ngayong nalalapit na panahon ng kwaresma at dasalin sa lahat ng banal na misa ang Oratio Imperata para sa COVID-19 na inilabas ng CBCP.
Umaasa si Bishop Ongtioco na makikiisa ang mga mananampalataya, sa pag-iingat na ito upang higit na mapangalagaan ang sambayanang kristiyano.