Paggalang sa sarili, susi sa tumataas na bilang ng teen-age pregnancy sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total views

Nasasaad sa sulat sa unang Corinto kabanata pito talata dalawa na mag-ingat sa makasalanang pagtatalik.

Pinaalalahanan ng pinuno ng Episcopal Commission on Women ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan partikular ang mga magulang na paigtingin ang pagturo sa kabataan sa paggalang sa sarili kabilang na ang usaping sekswal.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, Chairman ng komisyon, malaki ang gampanin ng mga magulang upang magabayan ang kabataan lalo na sa maseselang usapin.

“Teach them that sex is sacred, respect oneself by not engaging premarital sex,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ang tugon ng obispo ay kaugnay sa tumataas na kaso ng pagbubuntis ng mga kabataang edad 10 hanggang 14 na taong gulang batay sa ulat ng Commission on Population and Development.

Ayon sa POPCOM 63 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga kabataang nanganganak sa nasabing age bracket kumpara noong 2018.

Binigyang diin din ni Bishop Varquez na dapat masubaybayan ang kabataan sa mga aktibidad gamit ang social media at internet na lantad sa pornograpiya.

Iginiit ng obispo na labag sa katuruan ng Diyos ang pakikipagtalik na labas sa sakramento ng pag-iisang dibdib.

Pinaalalahanan nito ang kabataan na iwasan ang pagiging mapusok sapagkat kaakibat ng tunay na pagmamahal ay ang pagsasakripisyo at kahandaang maghintay sa wastong panahon.

“True love waits knows how to sacrifice; premarital sex is a sin,” giit ni Bishop Varquez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,399 total views

 47,399 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,268 total views

 43,268 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,470 total views

 79,470 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,177 total views

 88,177 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,470 total views

 113,470 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top