CBCP, dadalo sa death penalty hearing ng Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Tiniyak ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagdalo sa isasagawang hearing ng Senado kaugnay sa muling pagsusulong ng panukalang bitay ngayong 18th Congress.

Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, sisikapin nilang makumbinsi ang mga mambabatas na isantabi na ang panukala na hindi tugon sa mga nagaganap na krimen sa bansa.

“Bibigyan pa rin namin sila ng mga puwede naming gawin kung willing sila na kausapin kami, mag-aappear pa rin tayo doon sa kanilang hearings. Biro mo millions yang gagastusin na naman diyan,” ayon kay Diamante.

Inihayag ni Diamante na may labing pitong mambabatas ang pabor na isulong ang death penalty –na parusang ipapataw para sa mga drug traffickers.

“Meron ng labing pito na pabor diyan sa isulong only drug trafficking, kaya nga inilipat nila doon sa drug traffickers yung kanilang isinulong na batas para maaprubahan doon sa kongreso,” ayon kay Diamante na bahagi din ng Coalition Against Death Penalty.

Nangangamba rin si Diamante na maipasa ang panukala ng mga bagong halal na Senador na kilalang mga kaalyado at malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Diamante na hindi hihinto ang simbahan para maibasura ang panukalang death penalty.

“But we will never stop!”pagtiyak ni Diamante

Ang panukalang bitay ay muling isumite nina Senators Emmanuel Pacquiao; Christopher Bong Go at Ronald dela Rosa laban sa mga karumal-dumal na krimen kabilang na ang drug trafficking.

Patuloy naman na naninindigan ang CBCP at Pro-life group na tutulan na maisabatas ang parusang bitay.

Bukod sa Pilipinas, may 170 bansa na sa buong mundo ang wala ng umiiral na ‘parusang kamatayan’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,804 total reads

 127,804 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,715 total reads

 264,715 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,490 total reads

 380,490 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,666 total reads

 495,666 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top