Ilang simbahan sa Diocese of Tandag, nasira ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 781 total reads

Iniulat ng Social Action Center ng Diyosesis ng Tandag na ilan sa mga simbahan at kabahayan sa Surigao del Sur ang nasira sa naganap na lindol noong Sabado.

Ayon kay Rev. Fr. Frank Olvis, ang Social Action Director ng Diyosesis, malakas ang pagyanig ng 5.5 magnitude na lindol dahilan upang masira ang mga Simbahan at ilang gusali sa lugar.

Pagbabahagi ng Pari ilan sa mga simbahang nasira ang parokya ng Immaculate Concepcion sa bayan ng Cantilan, Sts. Peter and Paul Parish sa barangay Parang, Cantilan, St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Carmen.

Dahil dito humiling ng panalangin si Fr. Olvis sa mananampalataya na hindi na muling maranasan ang malakas na pagyanig upang wala nang sakunang maganap.

“Hiling ko ang panalangin ng lahat na sana wala nang ganyang calamity [lindol],” pahayag ni Fr. Olvis sa Radio Veritas.

Sa pahayag naman ni Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel, umabot sa 63 katao ang nasugatan mula sa mga bayan ng Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Compostela at Tandag City dahil sa pagbagsak ng ilang bahagi ng bahay.

Alas 4:42 ng umaga ng maganap ang pagyanig na naramdaman din maging sa karatig lalawigan tulad ng Cagayan De Oro City, Borongan at Cebu City.

Sa inisyal na ulat ng lokal na pamahalaan umabot sa 7 milyong piso ang halaga ng nasirang imprastraktura sa Carrascal kabilang na ang mga bahay, simbahan, gusali ng pamahalaan, pamilihan at pagamutan.

Umaapela naman ang Pari sa mga mamamayan na nais magpaabot ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa Diyosesis ng Tandag o sa mga nararapat na ahensya ng pamahalaan.

“Kung makatulong, mas makabubuti para sa pagsasaayos ng mga Simbahan at ilang mga bahay,” ani ni Fr. Olvis.

Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur ng dalawang libong pisong tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol partikular sa Cantilan, Madrid, Lanuza at bayan ng Cortes kung saan naitala ang sentro ng pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,879 total reads

 34,879 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,824 total reads

 70,824 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,094 total reads

 297,094 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,562 total reads

 190,562 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,736 total reads

 282,736 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top