Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,189 total reads

Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang maitaguyod ang paggalang at pagpapahalaga sa mga kababaihan.

“It is very important and essential R.A. becomes a law, and that will foster human decency and ethics; a great help to uphold human respect and good manners especially towards women. Women will be protected from those unnecessary and irresponsible sexual remarks,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iginiit pa ni Bishop Santos na kinakailangang ang lahat ay magpamalas ng pagsunod sa nasabing batas, anu man ang kanilang katungkulan o katayuan sa buhay.

Malaking bagay ayon sa obispo ang pagpapakita ng mga pinuno ng lipunan ng mabuting halimbawa, upang tularan ito lalo na ng mga kabataan.

“All must, no exception, should follow and fulfil the essence of R.A. 11313. All must set example to comply what this R.A. implies and call for.” Dagdag pa ng Obispo.

Kabilang sa mga nakasaad sa batas na paglabag at kawalang respeto sa mga kababaihan, ay ang pagmumura, pagsipol, malaswang pagtitig, pagtutuya, pagkuha ng personal na impormasyon gaya ng pangalan, contact number at social media accounts at iba pa.

Ang Republic Act 11313 o “Safe Streets and Public Spaces Act” ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-17 ng Abril at inilabas naman ito sa publiko noong lunes ika-15 ng Hulyo.

Umaasa naman ang simbahang katolika na maitataguyod sa batas na ito ang kagandahang asal, at respeto sa mga kababaihang may malaking ambag sa pag-unlad ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,007 total reads

 127,007 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,970 total reads

 263,970 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,745 total reads

 379,745 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,957 total reads

 494,957 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,325 total reads

 47,325 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,860 total reads

 76,860 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,704 total reads

 69,704 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top