Harapin ang buhay ng walang takot kasama ang Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 761 total reads

Huwag matakot na harapin ang buhay sa kabila ng mga agam-agam at mga pagsubok.

Ito ang paanyaya ni Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian, outgoing Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan sa pagpapatuloy ng Philippine Conference on New Evangelization o PCNE6 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas.

Ayon kay Bishop Jaucian, hindi lamang si Hesus kundi ang Kaniyang inang si Maria ang ating kasama sa paglalakbay sa buhay.

Iginiit ng Obispo sa kaniyang pagninilay na tulad ni Maria ay magkaroon tayo ng lakas ng loob at tapang na tanggapin ang hamon na sumulong at tumindig sa buhay sa kabila ng paghihirap.

“And Mary, upon knowing and learning, she opened her eyes that this is the will of God for her and she had the courage to stand. My dear young people, be like Mary. That when we meet the challenge of life with her, we have the courage to always discern the love of God for us. Together with Mary, say “Yes Lord,” bahagi ng homiliya ni Bishop Jaucian.

Ipinaalala rin ng Obispo sa mga kabataan ang kanilang kahalagahan na nagbibigay ng sigla at kalakasan ng simbahan.

“My dear young people, you are the treasure of the Church, you are the joy of the Church, and you are the power of the Church. Mary is not just a statue that we offer flowers, that we offer our novenas, the experts would say; she is a young woman from Nazareth, she journeys with us, our joys is her joys, our sufferings is her suffering. Hindi lang si Hesus ang kasama natin sa buhay, si Inang Maria ay nakikiisa sa paglalakbay natin sa buhay,” ayon kay Bishop Jaucian.

Dagdag pa ng obispo, “I see in the young that their giftedness, their creativity, their talents, becomes the music, the sound that gives life for the church, and their freshness becomes the light that gives hope for the church.”

Ibinahagi din ng Obispo ang ilan sa mga karanasan sa kanyang kabataan at kung paano niya naramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa kaniyang buhay.

Sa kuwento ng Obispo, sa kabila ng kahirapan ng kanilang pamilya ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at inilaan ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa Diyos bilang isang pari.

“I had to stop schooling to be a full time employee. When I entered the seminary June of 1977, Miracles on Miracles. Exactly almost 30 years, March 26, 2007, I went back to the very altar where I cleaned, it was there I was ordained a Bishop. Ang isang sacristan, puwede din pala maging Obispo. All because I was able to open my life to the grace and to the love of God and Mary,” kuwento ni Bishop Jaucian.

Ayon pa sa obispo, kagalakan na niya ang magsilbi sa Diyos sa pamamagitan ng pakikilakbay sa kabataan upang magsilbing gabay at pagyamanin ang mga biyayang kaloob ng Panginoon.

Si Bishop Jaucian ang kasalukuyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth na nahalal noong taong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 8,094 total reads

 8,094 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,918 total reads

 94,918 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 132,291 total reads

 132,291 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 163,552 total reads

 163,552 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,967 total reads

 235,967 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top