Kabataan Partylist, dismayado kay Pangulong Duterte.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,706 total reads

Ikinadismaya ng Kabataan partylist ang mahinang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng soberanya ng Pilipinas.

Ayon kay Sarah Elago, kinatawan ng grupo, kinakailangang paigtingin pa ng mga kabataan ang pagsusulong at panghihikayat sa pamahalaan na pigilan ang China na maangkin ang West Philippine Sea.

Inihayag ni Elago na sisikapin ng kanilang grupo na himukin ang mga kasamahan sa Kongreso upang palakasin ng pangulo ang diplomatikong protesta laban sa China.

“Yung mga sinabi ng Pangulo tungkol sa soberanya ay pareho pa rin ng nasabi n’ya noon, walang bago. Kaya nababahala tayo na sa kabila ng mga panawagan ng ating mga kababayan na magkaroon ng malinaw at malakas na diplomatikong protesta ang ating bansa ay ganun pa rin ang ating narinig.” pahayag ni Elago sa Radyo Veritas.

Sang-ayon sa panlipunang turo ng Simbahan, ang gabay sa pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t-isa, ay tulad ng gabay sa pakikipagkapwa-tao.

Sinasabi na kailangang nakaugat ito sa katotohanan, katarungan, at pakikiisang may paggalang sa kasarinlan ng bawat mga bansa.

RE-IMPOSITION OF DEATH PENALTY

Samantala, ikinababahala din ng grupo ang pahayag ng pangulo na pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Aniya, kung mananatiling mabagal at hindi maayos ang justice system ng bansa, ay magiging anti-poor lamang ang pagsusulong ng batas na ito.

“Sa isang justice system, kung saan yung mga mahihirap at mga walang kalaban-laban ang naaapi at naiipit sa kahinaan ng ating justice system, magiging talagang anti-poor lang ang reimposition of death penalty.” pahayag ni Elago.

Inihayag ni Elago na sa halip na isulong ang death penalty ay makabubuting tutukan ng pamahalaan ang lumalalang kahirapan na sanhi ng lumalalang kriminalidad sa Pilipinas.

“Imbis na reimposition of death penalty na napatunayan na naman nitong nakaraang taon na tuloy-tuloy yung pamamaslang sa ilalim ng Duterte administration, hindi yan naging deterent para hindi lumala ang problema, so ibig sabihin meron pa rin tayong mga kailangang gawin.” dagdag pa ni Elago.

Batay sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

Naninindigan naman ang Simbahang Katolika sa pagtataguyod ng buhay at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang magsisi at makapagbagong buhay ang mga nagkakasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,504 total reads

 17,504 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,532 total reads

 54,532 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,802 total reads

 280,802 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,269 total reads

 174,269 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,366 total reads

 267,366 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,669 total reads

 34,669 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,564 total reads

 27,564 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top