Obispong isinasangkot sa sedition case, naghain ng counter affidavit sa DOJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,941 total reads

Obispong isinasangkot sa sedition case, naghain ng counter affidavit sa DOJ

Naghain ng kanilang counter affidavit ngayong araw sa Department of Justice ang mga Obispo na isinasangkot ng Philippine National Police-Criminal and Investigation Detection Group sa kasong sedisyon, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice.

Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang counter affidavit ay tugon sa akusasyon ng tinaguriang false witness na si Peter Joemel Advincula kaugnay sa lumabas na “Ang Totoong Narcolist video” kung saan unang isinasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga ang Duterte family at Senador Bong Go.

Matapos bawiin ang unang testimonya, idinadawit naman ni Bikoy sa kaso si Bishop Bacani, Cubao Bishop Honesto Ongtioco,Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas,CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Father Robert Reyes, Father Flaviano Villanueva, Father Albert Alejo, Vice-President Leni Robredo at iba pang kritiko ng pangulong Duterte.

Inaasahan ni Bishop Bacani na mapapatunayang baseless ang mga akusasyon laban sa kanya ni Bikoy.

Iginiit ng Obispo na hindi niya kilala si Bikoy at wala siyang anumang komunikasyon dito.

“Hindi ko naman kilala yang Bikoy na yan, I’ve never met him, I’ve never talk to him, we don’t know each other. We have no communications with each other, so wala akong kinalaman diyan. Wala naman kasi silang katibayan na nagkaroon nga kami ng communication…”pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas

Umaasa naman si Bishop Bacani na manindigan at tutulan ng mamamayan ang lahat ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Sa panayam ng Radio Veritas, kinumpirma rin ni Bishop Bacani na naghain na rin sa D-O-J ng kanilang counter affidavit si CBCP Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas habang si Bishop Ongtioco ay nasa abroad sa kasalukuyan.

“Nag-submit na kami ng counter affidavit ngayong hapon kami ni Archbishop Soc (Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas) tapos si Bishop David (CBCP Vice President, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David) nag-submit na rin kaninang umaga at si Bishop Ongtioco (Cubao Bishop Honesto Ongtioco) out of the country so he has up to August 20 to submit…”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Kinumpirma din ni Bishop Bacani na hindi sila dadalo sa preliminary investigation ng D-O-J na nakatakda ika-9 ng Agosto,2019.

Kaugnay nito, magsasagawa ang Mother Butlers Guild ng pag-aayuno at pagrorosaryo bilang suporta sa mga inuusig na miyembro ng Simbahang Katolika.

Read: Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

Nagpahayag din ng masidhing suporta ang Philippine Catholic Charismatic Renewal Services, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at iba pang religious organization sa mga inaakusahang lider ng Simbahan.

Read: PCCRS, nagpahayag ng suporta sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP

Naunang hinamon ni Prelature of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang lahat ng Diocese, Archdiocese at Lay organization na panahon na “to stand up”.

Read: Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc

Ang hamon ni Bishop Dimoc ay tinugon ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, iba pang Obispo at religious organization sa bansa.

Read: Speak now, silence is not an option
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,602 total reads

 3,602 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,567 total reads

 10,567 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,957 total reads

 47,957 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,227 total reads

 274,227 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,694 total reads

 167,694 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,203 total reads

 261,203 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top