Itatatag na OFW dept., pag-asa ng OFWs-obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 323 total views

Umaasa ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na hindi matutulad sa papaalis na administrasyong Aquino ang incoming Duterte Administration sa usapin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na wala halos naitulong at ni hindi man lamang nagpasalamat.

Ayon kay Balanga Bataan bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, umaasa siya na tutuparin ng incoming President Rodrigo Duterte ang naipangako nitong pagtulong sa mga OFW sa pamamagitan na rin ng pagpapatayo ng sariling Departamento (Department of OFW).

Sinabi ng obispo na kung matutupad ang pangako, susuportahan ito ng Simbahang Katolika para sa pagsulong ng mga OFW.

“Naririnig ko sa media na magtatayo ng department of OFW kung ito ay matutupad tayo sa Simbahan sumusuporta dito, para maiwasan ang bururukrasya at matutukan ang pangangilangan ng mga OFW.” Pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas sa programang Veritas Pilipinas.

Gayunman, umaasa ang obispo na makakagawa ang bagong administrasyon ng mga trabaho sa bansa upang mabawasan na rin ang bilang ng mga Filipino sa abroad.

“Hiling natin huwag tayong nakatutok na isang bansa na nagdadala ng manpower, kailangan dito pa lang may trabaho na upang hindi na umalis ang mga Filipino at hindi mahirapan ang pamilya at hindi magkaroon ng brain drain sa bansa.” Ayon pa sa obispo.

Sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 12 milyon hanggang 15 milyon ang mga Filipino sa ibat’-ibang panig ng mundo kung saan mahigit 2 milyon dito nasa Gitnang Silangan.

Nauna na ring ipinanawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pahalagahan ang mga OFW sa kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa ekonomiya kung saan nitong first quarter ng 2016 nasa $2.7 bilyon ang remittances nila na mas mataas noong nakaraang taon na $2.4 bilyon lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 31,359 total views

 31,359 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 53,364 total views

 53,364 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 77,706 total views

 77,706 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 101,306 total views

 101,306 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 134,732 total views

 134,732 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 19,254 total views

 19,254 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,962 total views

 235,962 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top