Sambayanang Filipino, binalaan ni Cardinal Tagle sa pakikilakbay sa huwad na Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga bumubuo sa Philippine Conference on New Evangelization na ipagpatuloy ang PCNE sa pamamagitan ng pakikilakbay sa kapwa.

Sa isinagawang thanksgiving mass para sa mga volunteers ng PCNE noong ika-16 ng Agosto, pinasalamatan ni Cardinal Tagle ang mga tumutulong sa matagumpay na pagsasagawa taun-taon ng PCNE.

Sinabi ng Kardinal na naisasakatuparan ito dahil na din sa sama-samang paglalakbay ng mga volunteers kasama si Kristo.

Binigyan diin ni Cardinal Tagle sa kanyang pagninilay na mahalagang si Hesus ang maging kalakbay sa tuwina ng mga mananampalataya lalo na ng mga kabataan upang maakay ang mga ito patungo sa kaligtasan.

Ipinaliwanag ng Kardinal na kung ang kalakbay ng isang lipunan ay si Kristo, matatawag itong bayan ng Diyos.

Subalit pinaalalahanan din nito ang mga mananampalataya na huwag makalilimot at tiyakin lagi na tunay na si Hesus ang kanilang kalakbay at hindi ang mga nagpapanggap lamang na ibang diyos.

“Kung ang kalakbay mo ay Diyos, magiging bayan ka ng Diyos. Kung ang kalakbay mo ay iba, bayan ka noon. Kanino ka nakikipaglakad? Sino ang kalakad mo? Huwag kalilimutan. Ang paglimot ay paglalakad ng solo o baka kasama nyo na ang ibang diyos?” Pahayag ng Cardinal sa kan’yang pagninilay.

Sinabi pa ni Cardinal Tagle na ang paglalakad kasama si Hesus ay maihahalintulad sa tipan ng kasal dahil nangangako ang tao na hindi ito kailanman hihiwalay sa Panginoon.

Ang pakikipagtipan ng tao sa Diyos ay nangangahulugan din ng pagmamahal at pag-aalaga nito sa mga iniibig ng Panginoon, tulad ng pagkalinga sa mga mahihirap, may sakit at paggabay sa mga kabataan.

“The covenant of marriage is a walking together. Walking really means a covenant relationship and never forgetting how God walked with me and young people needs guide. If young people were guided to discover them, then their hearts will be faithful and they will walk with God and walk with those whom God loves, the wounded, the despised, the abandoned, the forgotten.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Taong 2013 nang sinimulan ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of the New Evangelization ang pagoorganisa ng Philippine Conference on New Evangelization.

Ngayong 2019 ang ika-6 na taon ng pagsasagawa nito kung saan libu-libong mananampalataya ang dumalo mula sa iba’t-ibang Diyosesis, Arkidiyosesis at mga institusyon sa buong Pilipinas.

Umaasa naman ang OPNE na sa ika-7 taon ng pagsasagawa ng PCNE sa taong 2020 ay lalo pang mapayayabong ang pamamaraan sa pagpapakalat ng mabuting balita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,312 total reads

 55,312 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,684 total reads

 134,684 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,129 total reads

 168,129 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,427 total reads

 203,427 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,730 total reads

 427,730 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,765 total reads

 37,765 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,654 total reads

 30,654 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top