Daan-daang batang kalye, tatanggap ng sakramento ng binyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Apat na raan at limampung mga bata mula sa Tulay ng Kabataan Foundation ang bibinyagan ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ay isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral sa ika-28 ng Septyembre, araw ng Sabado.

Ayon kay Fr. Matthieu Dauchez, executive director ng Tulay ng Kabataan, malimit na hindi nakatatanggap ng sakramento ang mga mahihirap na kabataan lalo na ang mga batang lansangan.

Batid ng pari ang pag-iisip ng mga mahihirap na pamilya na may bayad ang pagtanggap ng mga sakramento.

Naniniwala si Fr. Dauchez na kung hindi madadala ang mga kabataan palapit sa Diyos, kaya’t ang simbahan na ang gagawa ng paraan upang lumapit sa mga mahihirap at ipakilala ang Panginoon.

“When it is so difficult to bring our wounded children close to God, it is, on the opposite, very easy to bring the Lord to them through Sacraments,” dagdag pa ng pari.

Ang Tulay ng Kabataan Foundation ay isang institusyon na tumutulong sa mga batang kalye, inabandona, mga biktima ng pang-aabuso at nagsisilbi bilang kanilang tahanan.

Simula taong 1998 umaabot na sa 55-libong mga kabataan sa Metro Manila ang natulungan ng Tulay ng Kabataan sa 37 centers nito.

Nakalikha na rin ito ng limang programang naglalayong ibalik ang dignidad ng mga batang lansangan, at mga matatandang inabandona ng kanilang kaanak.

Noong 2017, 400 mga kabataan ang na binyagan sa pagtutulungan ng Archdiocese of Manila at Tulay ng Kabataan Foundation.

Upang patuloy na makatanggap ng Sacramento ang mga mahihirap na mananampalataya, pinag-aaralan ng Archdiocese of Manila ang buong pagpapatupad ng pag-aalis sa Arancel system, o ang pagbibigay ng exact rate sa mga serbisyo ng simbahan tulad ng pagtanggap ng mga Sakramento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 16,108 total reads

 16,108 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,693 total reads

 50,693 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 87,175 total reads

 87,175 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,387 total reads

 105,387 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 188,886 total reads

 188,886 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,544 total reads

 378,544 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top