Archdiocese of Tuguegarao, nanawagan ng panalangin at tulong.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Nagsisimula na ang Archdiocese of Tuguegarao sa kanilang relief operations kasunod ng paghupa ng tubig sa malaking bahagi ng lalawigang nalubog sa baha dulot ng bagyong Quiel.

Ayon kay Fr. Jerry Perez, vicar general ng Archdiocese ng Tuguegarao, nagsisimula na ring magbalik sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas sa patuloy na pagbuti ng panahon.

“Of course limited ang aming relief operations. Pero we are doing our best to assist our people. Nanawagan kami sa tulong nyo, sa prayers. We are asking for your prayers so our people will be kept safe,” ayon kay Fr. Perez.

Sa kabila nito, naghahanda na rin ang arkidiyosesis at local na pamahalaan ng Tuguegarao sa iba pang pangangailangan ng mga residente sa posibleng muling malalakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa panibagong sama ng panahon na papasok sa bansa.

“Nagkakaroon na po ng warning ng local government na we are bracing for the worst and hopefully all our advance… would be in place,” dagdag pa ni Fr. Perez.

Unang inihayag ng pari na may 20 bahay ang natangay ng malakas na pag-agos ng tubig sanhi ng malakas na pag-ulan.

Hiling din ng pari ang patuloy na panalangin at tulong para sa iba pang mga nasalanta ng bagyong Quiel.

Una na ring nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan dulot ng malawakang pagbaha habang naitala din ang apat na nasawi, isa ang nawawala at umabot sa 7 libo katao ang lumikas sa 72 mga evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,514 total reads

 128,514 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,376 total reads

 265,376 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,151 total reads

 381,151 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,292 total reads

 496,292 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top