Buksan ang puso sa mga mahihirap, hamon ng Obispo sa mga Filipino.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 902 total reads

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity ang mga mananampalataya na huwag lamang basta tulungan ang mga mahihirap kungdi makiisa sa mga ito.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Dukha sa ika-16 ng Nobyembre.

Nilinaw ng Obisp na ito ay panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco upang kalingain, makiisa at bigyang halaga ang mga dukha.

“Magkakaroon po tayo ng World Day of the Poor sa November 16, that’s our celebration, at yan po ay panawagan ni Papa Francisco na upang tayo ay sama-samang bigyan ng halaga ang mga mahihirap so hindi lang po yan tulong sa mga mahihirap kundi pakikiisa sa kanila. Huwag nating kakalimutan ang mga mahihirap na maging bahagi sila ng ating buhay at maiparamdam natin sa kanila ang ating pagkalinga.” paalala ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Idinagdag ng Obispo na labis na kinakailangan din ngayon ang pagbubukas ng puso sa mga nagiging dukha dahil sa mga kalamidad.

Aniya, ang paglindol sa Mindanao at ang hagupit ng bagyo sa Cagayan ay mga hindi inaasahang pangyayari na nagdudulot ng pahirap sa mga Filipino.

Dahil dito, mahalagang matulungan ang mga nangangailangan sa kanilang ispiritwal at pisikal na mga pangangailangan.

“Ibig sabihin nyan lumalawak ang ating pananaw sa mga mahihirap. Ngayon maraming mahihirap o nagiging mahirap ay dahil sa mga kalamidad kaya sana buksan din natin ang ating mga puso sa kanila na makatulong tayo, sa materyal na pangangailangan at sa ispiritwal na pangangailangan.” Dagdag pa ng Obispo.

Matatandaang noong Oktubre, sunod-sunod na lindol ang naganap sa Mindanao at matapos ito ay sinalanta naman ng bagyong Quiel ang Cagayan.

Kaugnay nito patuloy na nananawagan ang simbahang katolika partikular ang Caritas Manila para sa mga karagdagang tulong na maaaring ipaabot sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

Samantala, gugunitain naman ang World Day of the Poor sa ika-16 ng Nobyembre.

Pamumunuan ng Archdiocese of Manila Commission on Social Services ang pagtitipon at pangungunahan naman ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa San Andres Sports Complex, San Andres, Maynila.

Ang tema sa World Day of the Poor ngayong 2019 ay hango sa Awit 9:19 na “The hope of the poor will not perish forever.”

Ang World Day of the Poor ay ipinagdiriwang tuwing ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon sa Kalendaryo ng Simbahan, alinsunod sa panawagan ng Santo Papa na pagbibigay pansin at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 1,161 total reads

 1,161 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 40,754 total reads

 40,754 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 76,390 total reads

 76,390 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 302,660 total reads

 302,660 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 196,066 total reads

 196,066 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,227 total reads

 35,227 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,120 total reads

 28,120 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top