Archdiocese of Tuguegarao, nanawagan ng panalangin at tulong.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 402 total reads

Nagsisimula na ang Archdiocese of Tuguegarao sa kanilang relief operations kasunod ng paghupa ng tubig sa malaking bahagi ng lalawigang nalubog sa baha dulot ng bagyong Quiel.

Ayon kay Fr. Jerry Perez, vicar general ng Archdiocese ng Tuguegarao, nagsisimula na ring magbalik sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas sa patuloy na pagbuti ng panahon.

“Of course limited ang aming relief operations. Pero we are doing our best to assist our people. Nanawagan kami sa tulong nyo, sa prayers. We are asking for your prayers so our people will be kept safe,” ayon kay Fr. Perez.

Sa kabila nito, naghahanda na rin ang arkidiyosesis at local na pamahalaan ng Tuguegarao sa iba pang pangangailangan ng mga residente sa posibleng muling malalakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa panibagong sama ng panahon na papasok sa bansa.

“Nagkakaroon na po ng warning ng local government na we are bracing for the worst and hopefully all our advance… would be in place,” dagdag pa ni Fr. Perez.

Unang inihayag ng pari na may 20 bahay ang natangay ng malakas na pag-agos ng tubig sanhi ng malakas na pag-ulan.

Hiling din ng pari ang patuloy na panalangin at tulong para sa iba pang mga nasalanta ng bagyong Quiel.

Una na ring nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cagayan dulot ng malawakang pagbaha habang naitala din ang apat na nasawi, isa ang nawawala at umabot sa 7 libo katao ang lumikas sa 72 mga evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 20,945 total reads

 20,945 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 106,580 total reads

 106,580 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 143,952 total reads

 143,952 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 175,212 total reads

 175,212 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 247,122 total reads

 247,122 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top