CBCP, nababahala sa kaligtasan ng mga OFW sa Hongkong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total views

Nangangamba ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Worker sa Hongkong.

Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng mga raliyista at pamahalaan na nagsimula noong Marso.

Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nawa ay tuwinang nasa ligtas na kalagayan ang mga OFW.

“Keep them all safe and away from any form of harm. May they remain steadfast in what they are called to do. We pray that their jobs remain secure so that they may continue to fulfill their goals in working abroad,” ayon kay Bishop Santos.

Tinatayang may 130 libong mga Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Hongkong.

Kalakip din ng panalangin ng obispo ang payapang resolusyon sa kaguluhan at matigil na ang karahasan.

“O merciful God and loving Father, we come into your presence and pray for peace in Hong Kong. We implore that You shed your light so that violence in their land may come into an end. Help establish peace despite opposing views,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.

Una na ring nagkaroon ng serye ng protesta sa Hongkong dulot ng extradition bill na layunin ay ikulong at litisin ang mga lumalabag sa batas sa Mainland China.

Bagama’t binawi na ang panukala ay patuloy pa rin ang mamamayan ng Hongkong.

Kabilang din sa kahilingan ng mga nagpoprotesta ang pagpapatupad ng Universal Suffrage, imbestigasyon hinggil sa isyu ng police brutality at ang pagbawi ng kaso laban sa mga inaresto dahil sa protesta.

Ang Hongkong ay dating bahagi ng British colony na ibinalik sa China na may hiwalay na polisiya at legal system kabilang na dito ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon.

Subalit sa taong 2047 ay opisyal ng magiging bahagi ng China ang Hongkong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 204,999 total views

 204,999 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 235,222 total views

 235,222 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 261,867 total views

 261,867 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 356,840 total views

 356,840 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 364,498 total views

 364,498 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top