Kamangmangan ang maling paggamit ng karunungan -Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 817 total reads

Paigtingin ang pagtutulungan alang-alang sa paglilingkod sa Panginoon.

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association.

Binigyang diin ng Kardinal na kinakailangang pananampalataya ang maging ugat ng lahat ng bagay dahil kung wala ito ay mawawalan din ng saysay ang mga ginagawa ng tao.

Inihalimbawa niya ang paggamit ng teknolohiya na makapangyarihang impluwensya lalo na sa mga kabataan.

Aniya, ang maling paggamit nito ay maaaring makapatay ng tao, at kung wala ang Diyos, anu mang karunungan na magmumula dito ay maituturing lamang na kamangmangan.

“Grabe ha, yung technology n’yan gagamitin para patayin ang tao. Hindi na kailanangan minsan ng baril, kailangan lang ang karunungan mo sa paggamit ng mga ganyang gadgets at pwede kang pumatay. E, ‘di ba yan ay para sana sa sharing of knowledge, of information pero ‘pag nakalimutan ang Diyos lahat yan ay karunungan na umuuwi sa pinakamalalim na kamangmangan.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, ipinaalala ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkaka-isa at pagpapaigting ng pagtutulungan ng lahat ng mga paaralan, lalo na ang mga Archdiocesan at Parochial Schools.

Aniya, ang mga ito ay may iisang mithiin na mahubog ng mabuti ang pag-uugali at kaalaman ng mga mag-aaral.

Kaya naman umaasa siya na sa ika-60 taong anibersaryo ng MAPSA ay mapalalakas pa nito ang mga programa para sa mga mag-aaral.

“Sana sa pamamagitan ng MAPSA, tayong lahat ay magkatulung-tulong, mabuklod sa iisang misyon. Kapag pinagsama-sama natin ang ating mga Catholic schools at tayo’y kumilos ng sama-sama , ng may pananampalataya at may misyon, tinanggap kay Hesus at misyon para sa lipunan, napakalaking ambag ito… Sabi ni Pope Francis, synodality, walking together because we have only one mission, we have only one humanity to serve and here we have one nation and we have one common home, our earth to take care of.” Pahayag pa ni Cardinal Tagle.

Sa kabuuan ang MAPSA ay mayroon nang 118 school members sa buong Pilipinas na nagmula sa 10 mga Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,624 total reads

 17,624 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 103,529 total reads

 103,529 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,901 total reads

 140,901 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 172,161 total reads

 172,161 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 244,190 total reads

 244,190 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,168 total reads

 377,168 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top