Cardinal Tagle, naantig sa epekto ng broken family sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Ang pamilya ang pinagmumulan ng ligaya at unang sumusugat sa puso ng tao.

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ikaapat na Usapang Totoo at Katoto o UTAK ng Manila Archdiocesan Commission on Youth, noong ika-16 ng Nobyembre.

Inilahad ng ilang kabataan sa UTAK ang kanilang karanasan kung paano gumuho ang kanilang mundo at perpektong pagtingin sa pamilya nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Labis na naantig ang damdamin ni Cardinal Tagle sa pinagdaanan ng mga kabataan.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga mag-asawa, at magulang na laging isaalang-alang ang kanilang mga anak.

Pinayuhan ng Kardinal ang mga mag-asawa na hindi dapat maging makasarili at iniisip lamang ang kanilang kagustuhan sa pakikipaghiwalay at hindi isinaalang-alang ang panghabangbuhay na epekto nito sa mga anak.

“Gaano kahalaga ang pamilya? Ang pamilya ang pinagmumulan ng ligaya at lakas, at pamilya din ang unang nagsusugat sa puso ng tao… minsan nagdedesisyon ang mag-asawa ang iniisip lang nila ang kanilang sarili. Nakakalimutan na merong naaapektuhan for life.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle sa mga kabataan na laging alalahanin na mayroong malaking pamilya na handang tumanggap at magmahal sa kanila.

Sinabi ng Kardinal na ang Simbahan na pamilya ni Hesus ay hindi dapat ituring na substitute o panghalili lamang.

Aniya ito ay tunay, dahil ito ay isang pamilya na nakaugat sa Panginoon.

“Yung laging nangangamba, ako kaya ay mamahalin? ako kaya ay iiwan? Huwag kayong mawalan ng pag-asa mayroong malaking pamilya na pwedeng sumalo. Sa inyong tatlo, lagi kayong may pamilya, ang pamilya ni Hesus. At yun ay hindi substitute sa inyong nanay, tatay, pero tunay na pamilya pa rin kayo dahil naka ugat sa Panginoong Hesukristo.”pagtiyak ni Cardinal Tagle

Sa mga nakalipas na pagdaraos ng UTAK ng ACY, malimit na lumalabas na suliranin ng mga kabataan ang hindi maayos na kalagayan ng kanilang pamilya.

Dahil dito, pinaiigting ng simbahan ang mga programa upang magabayan ang bawat kabataan na hindi maligaw ng landas sa kabila ng kaguluhan sa kanilang pamilya o tahanan.

Bukod dito, misyon din ng simbahan na lalo pang mapalakas at mapagtibay ang mga pamilyang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,093 total reads

 17,093 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 103,071 total reads

 103,071 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,443 total reads

 140,443 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,703 total reads

 171,703 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,758 total reads

 243,758 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,160 total reads

 377,160 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top